Kapag Tumibok Ang Nguso

8 2 0
                                    

Kapag Tumibok Ang Nguso

“Kapag may pangit na mabait na nagpakita sa ‘yong mahal na mahal ka niya, you will give it a try. Basta mahal tayo, go lang nang go! Kasi puso naman ang tumitibok, hindi nguso!”



May kalandian ako sa text recently. May ginawa ako sa kanyang special deed kaya grabe ang pasasalamat niya sa ‘kin. Ang text niya pa, “Salamat sa ‘yo! Angel na kita. Savior pa. Lahat na.” Ang reply ko naman, “Savior lang? Angel lang? ‘Di ba puwedeng LOVE mo na rin ako?” I just wanna confirm kung ‘yong landian namin sa text na halos isang buwan na ay may patutunguan ba. Ang reply niya, “Love naman kita, ah.” Napa-text agad ako. Sabi ko, “Aww, love naman pala niya ako. :* #Swooning”. Tapos nagpaalam siyang may gagawin lang daw na assignment sa school.

Habang wala pa siya, pinost ko naman sa Facebook ang convo namin. But! My post on Facebook was something to remind myself not fall in love so easily, na kailangan ko munang siguraduhin kung ‘yong “love” ba na sinasabi niya ay totoo o baka kathang-isip ko na naman. My post was:

“LANDI PA MORE! Aww, love naman pala niya ako eh. Haha! Pero ayoko na munang umasa, baka parehas lang siya ng nakalandian ko a month ago, mahal daw ako pero bilang kaibigan lang pala. Friendzone pa more! Saklap! Pati pala mga dyosa naloloko’t nasasaktan ‘no? Haha! Hirap maging ‘No Boyfriend Since Birth’, unting landi lang kinikilig na. Gullible much! Haha! Pero napasaya niya talaga ang gabi ko! THANK YOU SA ‘YO! Pero saka na ako magpu-fully celebrate kapag tinanong na niya ako ng, “Puwede bang maging tayo na?” :* :) #NBSBProblems #HopiaMuch #HappyKiddo #Swooning #SweetDreams”

At sa post na ‘yan may mga nag-react katulad ni Paula, sabi niya na i-push ko lang daw ‘yan pero ‘wag masyadong ibigay ang lahat. Magtira pa rin sa sarili. Just enjoy kung ano raw ang mayroon kami now. Ibibigay daw ni God kung para sa ‘kin. Tama naman si Paula. May point siya.

May mga kontrabida rin katulad ng superfriend kong si Odessa (aka Lax) sabi niya, “Ayan ka na naman, Lax. Mababatukan na naman kita, eh. Hehe. Inom-inom din ng realidad ha. Love you! :D :D” Ang reply ko lang sa kanya, “Basa-basa din ng post. Kaloka! Haha! Tignan mo nga ‘yong post ko. Kahit na sinabihan akong love naman ako, may doubt pa rin ako. Ayoko na kasing maulit pa ang pagkakamali ko dati kaya sigurista na ako.”

After that, bumalik ako sa cellphone ko para makita kung nag-text na siya para malaman ko kung tapos na siya sa ginagawa niya. At nag-text na nga siya. Nagka-text na kami ulit. Hanggang nagkayayaan nang matulog. Pinapatulog ko na rin siya kasi 12 midnight na no’n at alam kong maaga pa pasok niya sa school. Sabi ko, “Matulog ka na. Nakakapangit lalo ang pagpupuyat. :D” Ang reply niya sa ‘kin, “Sanay naman ako sa puyatan eh. Noon pa lang kasi pangit na ako. Hahaha!”

Totoo naman kasing hindi siya pogi at madalang lang akong makipagharutan sa mga hindi pogi kasi mukha talaga unang tinitignan ko pero kung mabait naman sa ‘kin mas okay na rin ‘yon. I texted him back, “Aanhin ko ang pogi kung hindi ko naman mahal.” Tapos ang reply niya, “So, okay lang sa ‘yo kahit pangit???” Sa reply niyang ‘yan feeling ko ang tanong niya talaga, “So, okay lang na maging boyfriend mo ako?” Pero ayokong umasa. Hopia! Haha! Ang reply ko, “Siyempre gusto ko talaga ‘yong pogi, ‘yong malapit lang sa ‘kin. PERO kahit pogi man o pangit ang importante sa lahat ay mahal ako. Wala naman talaga sa itsura ‘yon eh, first impression lang ang itsura pero sa ugali at pakikitungo sa ‘tin tayo nai-in love.”

Binaba ko ang standards ko para sa kanya. Haha! Pero my basis to finally fall in love doesn’t only rely on how he looks. Pangit man o pogi, dapat makilala ko muna siya baka masama pala ugali niya. Aanhin mo ang pogi kung ginugulpi ka naman. Aanhin mo ang pogi kung ‘di naman kayang respetuhin ang mga magulang mo. Aanhin mo ang pogi kung ‘di ka naman mahal. Eh di do’n na lang ako sa pangit na mabait na, mahal ka pa.

Pero depende rin ‘yan sa pangit, ha. Katulad na lang ‘yong minsang nanligaw sa superfriend kong si Harilyn (aka Partner), isang lalaking malaki ang nguso at halata namang hindi kapogian. Pero kaya hindi siya binigyan ng pag-asa ng kaibigan ko ay hindi dahil sa pangit lang siya kundi dahil sa mayabang pa siya. Hangin pa more.

Sabi nga ni Senyora Santibañez, “Pangit na nga mukha mo, pati ba naman ugali mo.” Kaloka but true. Haha! Kaya dapat makilala muna natin ‘yong tao, pangit man o pogi, para malaman natin kung malinis ba ang intensyon nila sa ‘tin.
Beauty fades, but inner beauty stays forever. Tipong kahit gaano pa kataas ang standards mo, kapag may pangit na mabait na nagpakita sa ‘yong mahal na mahal ka niya, you will give it a try. Basta mahal tayo, go lang nang go! Kasi puso naman ang tumitibok, hindi nguso!

*****

BE FRIENDS WITH JAHRIC LAGO! ❤
Facebook: /JahricLagoOfficial
YouTube: /JahricLago
Instagram: @JahricLago
Wattpad: @JahricLago

Buti Pa Ang Leron Leron May Sinta by Jahric Lago (Published under TBC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon