Face Doesn't Matter

10 1 0
                                    

Face Doesn’t Matter

“Tuluyan na talagang nalaglag ang panty ko, as if may suot ako. Nakaka-in love ‘yong boses niya.”



Tuwing nagugutom ako at nagke-crave ako sa ice cream, I would go to SM Sta. Mesa at doon ko isa-satisfy ang aking sweet tooth. Kaya nang mag-crave na naman ako sa isang pint ng strawberry ice cream, gumora agad ako sa SM Sta. Mesa. Pagdating ko sa mall, diretso ako sa supermarket to buy myself some ice cream then pagkatapos kong mabayaran ‘to nagsimula na akong mag-ikot-ikot sa mall.

While enjoying my strawberry ice cream, I decided to roam around sa second floor at tumingin ng books sa National Bookstore. But on my way, may nakita akong super duper poging foreigner. Ang pogi niya, kamukha niya si Zac Efron and he looked like the same age din ni Zac. Wow, blonde hair, toned biceps, blue eyes, tapos slightly bearded pa siya. Ang yummy talaga ni kuya! Kaya ako naman ‘tong malanding pinaglihi sa higad, sinundan si Zac Efron look-alike.

Naloka lang ako kasi hindi siya pa-way sa NBS, sa may kabilang daan siya kung saan papunta do’n sa may binguhan. Pero sige, go lang nang go! Sunod pa rin ako nang sunod kahit na hindi naman sa binguhan ang punta ko.

Habang tinitignan ko siya sa malayo, inilabas niya ang cellphone niya at parang may kausap siya. At dahil medyo malapit nga ako sa kanya, I heard his voice sabi niya, “I’m coming. I’m near now.” Tapos ‘yong boses niya hindi lang simpleng boses, may accent siya. Bisaya accent este British accent! Haha!  Tuluyan na talagang nalaglag ang panty ko, as if may suot ako. Nakaka-in love ‘yong boses niya.

Patuloy lang kaming naglakad at nang may makita akong baby stroller bigla siyang huminto, kaya napahinto rin ako. Nakita ko may poging bata sa stroller. Blue eyes siya parehas ni Zac Efron look-alike. Ang pogi rin no’ng bata! Tapos pagkakita ko ‘yong nagtutulak ng stroller ay isang babaeng hindi ko maintidihan ang itsura. Puwera lait ha, pero kaloka talaga bakit ‘yon pa?!?
Nag-assume na ako na syota o asawa niya si Chakang Babae. Kahit ayoko talagang isiping gano’n! Grabe, na brokenhearted talaga ako. Bakit siya pa? Ang dami niyang ipapalit sa ‘kin, ‘yon pa? Chos! ‘Kala mo naging kami ni kuyang Zac Efron look-alike.

Tinalikuran ko na sila at naglakad na ako papalayo at sinabi ko sa sarili ko, “’Wag kang tanga, Jahric. Hindi niya syota ‘yon, yaya lang ‘yon ng bata.” Medyo nabuhayan ako ng loob. Kaya I looked back, at pagtingin ko sa kanila, hinalikan ni Zac Efron look-alike si Chakang Babae.

Ouch! It broke my heart! Kulang na lang masuka ako. Pero kahit isuka ko man lahat ng lamangloob ko’t atay balunbalunan, I can’t erase the fact na asawa nang tinatawag kong Chakang Babae ang nakapapoging lalaki na ka-look-alike ni Zac. Pero siguro naman, and I know, hindi ang mukha ni ate ang nagpaibig sa lalaki baka mabait pala si ate. Malambing at mapagmahal. ‘Di ba?
Hay, inggit lang ako. At, oo, naiinggit talaga ako. Dahil kahit ilang libong beses ko man sabihin sa mundo na pangit si ate, at least siya may dyowa na kinaiinggitan ng lahat (lalo na ako). Buti pa siya may sinta, eh ako, nganga!

*****

BE FRIENDS WITH JAHRIC LAGO! ❤
Facebook: /JahricLagoOfficial
YouTube: /JahricLago
Instagram: @JahricLago
Wattpad: @JahricLago

Buti Pa Ang Leron Leron May Sinta by Jahric Lago (Published under TBC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon