First Love Never Dies
“Isn’t it love should still prosper kahit wala na ang isa? Isn’t that the true testament of true love?”
Lahat naman tayo may first love, ‘di ba? Most people would say pa, first love never dies. Ako, siyempre may first love din ako, pero my first love already died. Wala na siya, pumanaw na.
Hindi ako papa’s boy, I’m more like a mama’s boy. Pero ang papa ko ang unang lalaking minahal ko dahil sa tunay na pag-ibig na ipinakita niya sa ‘kin at sa mama ko. Lagi kong sinasabi na walang happy ending, na walang forever, dahil siguro iniwan nga rin kami ng “forever” namin—si Papa. Pa’no magkakaroon ng forever kung pumanaw na si Papa at iniwan niya kaming malungkot ni Mama? Pero I always look at the bright side and say to myself, isn’t it love should still prosper kahit wala na ang isa? Isn’t that the true testament of true love?
Mahal ko ang Papa ko. I loved him. Sana kasama pa namin siya. Naaalala ko no’ng bata pa ako, kapag papaluin ako ni Mama dahil sa kakulitan ko, siya ang nagtatanggol sa ‘kin. Pati na ‘yong bigla akong makakatulog sa couch namin tapos paggising ko nasa kama na ako kasi binuhat niya pala ako at inilipat. O kaya maaalimpungatan ako dahil sa sobrang init tapos makikita ko pinapaypayan pala ako ni Papa dahil nag-blackout. O kaya magigising ako kasi ang lamig tapos mayamaya okay na kasi kinumutan niya pala ako. I miss him so much.
My best and last memory of him was during my graduation last 2014. Akala ko talaga hindi siya makapupunta. Akala ko talaga si Mama na lang ang makakikita sa akin na gumraduate bilang isang cum laude. Pero kahit na matindi na ang sakit ng papa ko no’n, kahit hindi na siya makalakad nang maayos, pinilit niya na makapunta sa graduation ko. Habang nasa stage ako at sinasabitan ng medalya ni Mama, nakatingin ako sa kanya. I was able to see on his face how proud he truly was. I was so happy that I was still able to share that moment with him, na ‘yong first love ko ay nasa napakaimportanteng araw ng buhay ko, nakangiti. Proud na proud.
Papa, you may not have been the perfect father kasi lasenggero ka at pasaway but you were the most caring, loving, and kindhearted father I had. Nami-miss ko na ‘yong inuuwi mong siopao ng Kowloon House tuwing galing ka sa trabaho. Masaya kami lagi ni Mama kumain ng malaman at malaking siopao na ‘yon. Nami-miss ko noong hinahatid mo pa ako sa school tapos nasiraan pa tayo ng motor. Nabunggo mo pa nga ang balde ng kapitbahay. Natatandaan mo pa ba ‘yon, Pa? Nami-miss kong mag-celebrate ng special days kasama ka—birthdays, Christmas, New Year, at iba pa. Ang sarap mo kayang magluto ng handa at nakakaaliw ka kasama mag-videoke. Nami-miss ko ‘yong mga panahon na kapag susunduin kita sa inuman ay maririnig kong pinagmamalaki mo sa mga barkada mong ako ang naging anak mo.
Sana nandito ka pa rin kasi kailangan ko ng dagdag support system para harapin ang mundong ito. Kailangan kita para protektahan ako, para may paghingahan ko ng sama ng loob, para may magpalakas ng loob ko na ituloy lang lahat ng laban ng buhay.
Sobrang naiiyak pa rin ako kapag naaalala kong wala ka na nga pala. Tanggap ko na pero ang sakit sakit lang kasi talaga. Alam kong hindi ako naging perpektong anak at alam kong hindi ang katulad ko na bakla ang hiniling mong maging anak pero masayang-masaya ako kasi hindi mo ako pinigilang maging ako bagkus sinuportahan mo lang ako sa mga pangarap ko at minahal mo ako maging ano man ako.
Pa, wala ka man ngayon sa piling namin, I know, from heaven’s above, nakatingin ka sa ‘kin, nakangiti, tuwang-tuwa sa mga na-a-accomplish ko sa buhay. Alam ko kung gaano ka ka-proud sa akin. Ako din, proud akong naging papa kita! You will always be my first love. Kahit wala ka na ay hindi pa rin mawawala ang pagmamahal ko sa 'yo! Your memory and my love for you will never ever die. Mahal na mahal kita, Papa!
*****
BE FRIENDS WITH JAHRIC LAGO! ❤
Facebook: /JahricLagoOfficial
YouTube: /JahricLago
Instagram: @JahricLago
Wattpad: @JahricLago
BINABASA MO ANG
Buti Pa Ang Leron Leron May Sinta by Jahric Lago (Published under TBC)
No FicciónHighest Wattpad Rankings! 🏅🏆 #2 in Memoir (05-24-20) #4 in Autobiography (06-24-21) #5 in Self-Help (05-24-20) #13 in Essay (06-24-21) #87 in Non-Fiction (05-09-18) Single. Sa milyon-milyong tao sa mundo bakit napakarami pa ring single. Kung iisi...