CHAPTER THIRTY-THREE

362 13 4
                                    

Sa wakas, natapos din ang semester. Nakahinga ako ng luwag pagkalabas na pagkalabas ko pa lang ng room pagkatapos ng finals exam ko sa accounting. Kahit hindi ko pa naman sigurado kung pasa ako, sobra pa ring gumaan ang pakiramdam ko.

Habang naglalakad pabas ng campus, naiisip ko na agad ang mga gagawin ko sa summer vacation. Noon kasi, sa bahay lang ako o di kaya tumutulong kay Papa sa trabaho niya. Pero dahil andyan na si Jeffrey, malamang maiiba na ang mga activities ko sa summer. Lalo tuloy akong naexcite.

Nang palabas na ako ng gate, nakita ko sa di kalayuan si Joseph. Lalapitan ko sana siya kaya lang may mga kausap siya. Medyo namiss ko din kasi siya. Noon ko lang ulit kasi siya nakita pagkatapos nung Valentine's Dance. Higit isang buwan na din yun. Naging busy din kasi kami lahat ng barkada dahil nga patapos na ang semester, kelangan na magfocus para pumasa sa finals.

Itinuloy ko na lang ang paglalakad ko.

Hello Tita Isabelle. Alam ko pong ikagugulat niyo ang malalaman niyo. Gusto ko lang po muna na hindi ko po ito pinlano. Nangyari lang po ng hindi ko inaasahan.

Ang pormal masyado. Dapat yung simple lang at direct to the point.

Hi Tita. Opo, kami na po ng anak n'yo. Sorry po, hindi ko naman sinasadyang magkagusto kay Jeffrey.

Parang hindi naman magandang pakinggan.

Tita Isabelle, wala na po tayong magagawa. Mahal po namin ni Jeffrey ang isa't isa.

Mas lalo atang hindi maganda yun.

Ano ba ang dapat kong sabihin? Nangagamba ako na baka pagharap namin ni Jeffrey ay hindi ako makapagsalita. At ang mas ikinakaba ko ay ang magiging reaksyon ni Tita Isabelle pag nalaman niya ang tungkol samin ng anak niya. Baka hindi niya magustuhan. Natatakot talaga ako.

Wala akong ibang naiisip pa kundi ang mga bagay na iyon habang naglalakad kami ni Jeffrey sa loob ng bahay nila papunta kay Tita Isabelle. Pakiramdam ko ay magkakasakit ako sa oras na iyon. Pero wala ng atrasan, andun na kami para aminin ang relasyon namin. At isa pa, iyon din naman ang gusto ko, ang malaman ng lahat, lalo na ng mga importanteng tao sa buhay namin, na nagmamahalan kami ni Jeffrey.

"Bahala na," bulong ko sa sarili sabay buntong hininga.

Katulad ng dati, namangha pa rin ako sa ganda ng mansion nina Jeffrey. Walang isang beses na pumunta ako doon at hindi humanga sa pagkagrandyoso ng lugar na iyon. Malinis at tila kumikinang pa rin sa kintab ang loob. At dahil sa liwanag ng umaga, mas nasilayan at napagmasdan ko ang ganda ng paligid.

Marahan akong naglakad na para bang hiyang-hiya at may nagawang kasalanan. Nasa likod lang ako ni Jeffrey na patuloy lang sa pagsasabi sakin na huwag akong mag-alala. Pero hindi ko magawa iyon.

Habang papalapit kami ni Jeffrey sa malaking sala nila ay naririnig ko na ang pag-uusap ng ilang katao. At nang ilang hakbang na lang kami sa sala ay narinig ko ang boses ni Mr. Santiago, ang lolo ni Jeffrey. Mas lalo tuloy akong kinabahan. Mas lalo akong natakot.

Nakita kong maging si Jeffrey ay nagtaka kung sino ang mga bisita sa bahay. Kaya naman nagmadali siya sa paglalakad para makita iyon. Bahagya niya akong naiwan.

Nang marating ko ang sala, una kong napansin ang pagkatulala ni Jeffrey. Hanggang sa nakita ko na rin ang mga taong tinitingnan niya. Nandun at nakaupo sa mga sofa ng sala sina Tita Isabelle at si Mr. Santiago. Nakaharap sila sa direksyon namin ni Jeffrey. Bahagya ko ring nasilayan ang mga kausap nila. Andun si Tricia, at ang mga magulang niyang sina Tito Rodrigo at Tita Victoria.

SomedayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon