"Here we are."
"Eto.. Eto bahay nyo?"
"Yeah. Bakit?"
"Eh hindi to bahay eh, palasyo to."
Akala ko sa pelikula lang ako makakakita ng ganung kalaking bahay. Sa gitna ng kadiliman ng gabi ay nagliliwanag ang paligid dahil sa ganda at mga ilaw nito. Hindi ko naisip ni minsan na makakapasok ako sa isang mansion gaya nun. Alam kong mayaman ang pamilya ni Jeffrey, pero hindi ko akalaing ganun sila kayaman.
"Good evening Senorito Jeff. Good evening sir." bati samin ng butler na nagaabang sa labas ng malaking pinto kasama ang tatlo pang kasambahay na pare-pareho ang uniporme.
"Hey bestbro, pasok na."
Hindi ko magawang ipasok ang mga paa ko paloob ng mansion. Parang hiyang-hiya akong itapak ang sapatos ko sa sahig na gawa sa makintab na marble. Naisip ko pa na dapat nagpalit man lang ako ng maayos na damit. Nakashirt pa rin lang kasi ako ng EK at nakashorts. Hindi bagay sa lugar na yon. At ano na lang ang sasabihin ng Mommy ni Jeffrey kung makita ako. Baka palabasin ako sa mansion niya.
Nang nagkalakas ng loob na akong pumasok, mas napamangha ako sa mga nakita ko. May grand foyer pa talaga ang bahay nina Jeffrey. Kulay puti na napapaligiran ng gintong mga kagamitan ang loob ng bahay. Tila pinaghalong moderno at klasiko ang ang pagkakadisenyo nito. Nakakamangha pa ang mga detalye na nakalagay sa mga dingding at ang napakalaking hagdan na bumungad sa akin. Nagliliwanag naman ang paligid dahil sa dami ng ilaw sa loob. Hindi ko din napigilang mapahanga sa laki ng chandelier nila na tila gawa sa mga dyamante at ginto. Nakikita ko ang sarili ko mula sa mga nakapaligid na salamin habang manghang-mangha sa bahay na iyon.
"Upo muna tayo bestbro. Napagod ako sa byahe eh."
Bago ako naupo, hinawak-hawakan ko muna at pinakiramdaman kung gaano kalambot ang sofa sa sala nina Jeffrey. Kulay puti din ito na may mga details na kulay ginto na nababagay lamang sa tema ng bahay. May mga throw pillows din dito na kulay puti at ginto din.
"Haha, what are you doing?"
"Tinetesting ko lang kung malambot" bulong ko kay Jeffrey.
"Haha, nakakatawa ka. Upo ka na nga."
At di naman ako nabigo. Iyun na ata ang pinakamalabot na sofa na naupuan ko.
"Jeffrey." bulong ko pa din sa kanya.
"Yup?"
"Senorito talaga?"
"Haha. Wag mo na lang pansinin."
"Wag pansinin? Eh pinapamukha sakin ng bahay nyo kung gano kayo kayaman. Swerte mo naman. Buhay prinsipe."
"Sus, ikaw talaga. Gusto mo dito ka na din tumira eh."
"Sira."
Lumapit naman agad samin ang isa sa mga kasamabahay.
"Senorito, pwede na po kayong pumunta sa dining room para sa hapunan."
"Okay. Thank you."
"Baka naman sinusubuan ka pa ng mga yan pag kumakaen ka.. Senorito..?" biro ko kay Jeffrey pagkaalis ng kasambahay.
"Ikaw talaga." sabay tapon sakin ng throw pillow. "Tara na nga dun sa dining. Gutom na ako eh."
Pagdating namin sa dining room ay namangha na naman ako sa disenyo at sa lawak ng paligid. Dinning room pa lang nina Jeffrey, sinlaki na agad ng buong bahay namin. Isang mahabang table na gawa sa kahoy at labing-apat na puting upuan ang bumungad sa akin. May tatlong plorera pa na napupuno ng mga puting rosas ang nakalagay sa mahabang dinning table. May gintong chandelier din sa gitna. Napupuno din ng ginto ang paligid. Lahat talaga ng nakikita mo sa lugar na iyon ay mamahalin. Maging ang mga plato, kutsara, tinidor, mga baso, kahit ang table napkin, mukhang mamahalin. Parang nakakahiya tuloy kumaen dun.
BINABASA MO ANG
Someday
RomanceCarlo is an average college guy with love and passion for singing and music. He is a good person with good principles in life. His life revolves only around his family, his studies, and his music, until he met Jeffrey. Jeffrey is a ric...