"Fag."
Heto na naman sila. Nang-aasar. Tapos magtatawanan. Palagi na lang.
"Glee club is for fags."
'Yan na lang palagi ang naririnig ko mula sa Blue Band. Hindi na sila nagsawa. Kahit sila ang pinakasikat na banda at grupo sa buong White Plains University, hindi pa rin sila tumitigil sa pang-mamaliit samin. Wala naman kaming ginagawang masama. Pare-pareho lang naman kaming hilig ang musika at pagkanta.
Ako si John Carlo Mendez, Carlo for short at isa ako sa members glee club ng White Plains. Ito lang talaga ang club na sinalihan ko simula noong naging college student ako. Dito lang kasi ako interesado. Simula din kasi pagkabata, hilig ko na ang kumanta. Siguro, dahil na rin sa impluwensya ng pamilya ko.
Lumaki ako na may kumpletong pamilya, may nanay, may tatay, kasama ang dalawa kong nakakatandang kapatid na babae. Pero noong 12 years old ako, nagkasakit ng malubha si Mama at agad ding binawian ng buhay. Tapos nung 15 ako, nag-asawa naman yung panganay kong kapatid, at yung isa naman ay lumipad na papuntang Canada para magtrabaho bilang nurse. Si Papa na lang ang naging kasama ko sa bahay simula noon.Hindi kami mayamang pamilya, pero lagi kaming masaya. Kahit wala na si Mama, nabuhay pa rin kami ng maayos.
Musika ang isang bagay na laging nagpapasaya sa pamilya namin. Ito ang common interest naming lahat. Dating member ng banda sina Papa at Mama, at dahil din doon kaya sila nagkakilala. Naaalala ko pa na noong bata pa ako, madalas kaming mag-jamming ng pamilya ko. Si Papa sa drums, si ate Brenda, ang panganay kong kapatid naman sa gitara, si ate Ivy sa piano, at si Mama naman ang kumakanta. Dahil bata pa ako, nakikipalakpak na lang o di kaya'y sumasabay na lang ako sa pagkanta.
Sa ngayon, marunong na akong magitara, at may ipagmamalaking galing sa pagkanta. Lahat 'yan ay dahil sa pagtuturo ni Papa. Bonding moment kasi naming dalawa ang pagkanta at pagtugtog. Palagi nga naming kinakanta ang theme song nila ni Mama - ang kantang It Might Be You. Dahil doon, naging malapit na din sa puso ko ang pagkanta. Kaya nga nang nalaman kong may glee club sa school namin ay sumali ako kaagad.
Gusto kong sabihing musika ang buhay ko gaya ni Papa, pero mas naging priority ko ang pag-aaral. Hindi naman ako kasing talino gaya ng iba kong kaklase, mataas lang talaga ang pangarap kong makatapos at maging isang Certified Public Accountant. Pero kahit ganon, hindi pa rin nawala sa akin ang pagkahilig sa pagkanta. Kaya nga nang minsang may mag-aya sa akin na sumali sa glee club, hindi na ako nagdalawang-isip pa na sumali.
Swerte akong nakapagenroll sa White Plains dahil na rin sa suporta ng dalawa kong kapatid. Jeepney driver lang kasi si Papa kaya kung siya lang, hindi niya kakayaning mapag-aral.
Matatalino at mayayaman ang karamihan sa mga estudyante sa school ko. Bukod dun, marami talagang magaganda at guwapong pumapasok dito. Maraming head-turners. Lalo na yung mga members ng banda na kinalolokahan ng halos lahat. Sila 'yong mga sikat sa campus, bukod pa sa mga varsities. Kaya marami sa kanila mayayabang, at maliit ang tingin sa aming mga taga glee club, lalo na sa mga lalaking members gaya ko. Sila yong unang nanlalait at tumatawa sa amin tuwing nagpeperform kami. At nangunguna nga sa lahat ang Blue Band.
Maraming beses ko nang gustong patulan ang Blue Band, pero palaging ipinapaalala ng glee club director naming si Miss Hernandez na hindi 'yun tama. Katwiran n'ya, as long as gusto namin ang ginagawa namin, hindi na kami dapat magpaapekto pa sa sinasabi ng iba. At walang maitutulong ang pakikipag-away.
Pero hindi ko na rin napigil ang sarili ko.
Pagkatapos ng practice para sa gagawing opening number namin sa Foundation Day, habang naglalakad ako mag-isa sa hallway ng school, nadaanan ko ang dalawang members ng Blue Band - si Danny at ang leader nilang si Jeffrey.
BINABASA MO ANG
Someday
RomanceCarlo is an average college guy with love and passion for singing and music. He is a good person with good principles in life. His life revolves only around his family, his studies, and his music, until he met Jeffrey. Jeffrey is a ric...