CHAPTER FOURTEEN

5.5K 69 8
                                    

"Going somewhere?"

"Jeff! Eto pauwi na. Ikaw?"

"Mmm. Tara let's hang out!"

"Na naman?"

"O bakit ayaw mo? Nagsasawa ka na kasama ako?"

Nakakatawa si Jeff, parang bata. Pero sobrang natutuwa ako kasi gusto niya ako lagi kasama. Simula nung immersion namin sa Quezon, palagi na din ulit kami magkasama. Isang linggo na din halos pagkatapos nung immersion na yun. Tandang-tanda ko pa yung mga ginawa namin dun nung last day. Naaalala ko kung gano kami kasaya habang andun sa probinsya. At ang hinding-hindi ko makakalimutan ay yung isang gabi na magkatabi kaming natulog habang nakaakap ako sa kanya, hanggang sa gisingin niya ako kinaumagahan.

Pagkatapos nun, parang feeling ko, mas sweet si Jeffrey sakin. Yung buong linggo pagkatapos ng immersion, palagi niya na ako hinahanap at gustong makasama.

Lunes. Hindi kami pumasok. Napilit ako ni Jeffrey. May hangover pa daw kasi siya sa semi-vacation namin sa Quezon kahit dalawang araw lang naman yun. Wala na akong nagawa kahit ayokong may mamiss out sa mga lessons namin. Pumunta na lang siya sa bahay at dun tumambay kami hanggang gabi. Wala naman kaming ginawa, nag-movie marathon lang kami, kumain, natulog at nagkwentuhan. Pero kahit ganun lang, sobrang saya ko pa din.

Martes. Sinundo ako ni Jeffrey papasok ng school. Sabay din kami umuwi. At tulad nung Lunes, tumambay na naman siya sa bahay. Bitin daw kasi yung movie marathon namin kaya ituloy daw namin. Pero habang nagpeplay naman yung movie, walang tigil siya sa pagkekwento. Nasa sofa kami, nakaupo ako, habang siya nakahiga at nakapatong ang mga hita sa binti ko. Ang ending, wala din kaming natapos na movie kasi hindi naman namin masundan. Pero kahit ganun, sobrang saya ko pa din.

Miyerkules. May exam daw si Jeffrey bukas, nagpapatulong siya sakin. Kaya inaya naman niya ako sa condo nito para magpatutor. Pero ewan ko ba, habang tinuturuan ko siya, wala siyang tigil sa pangungulit at pagpapacute. Kaya parang wala din naman siya natutunan sakin. Mas madami pa ata yung tawanan at kulitan naming dalawa kesa dun sa mga naaral niya eh. Feeling ko tuloy sayang naman yung effort ko na aralin yung lessons niya at ituro sa kanya yun. Pero kahit ganun, sobrang saya ko pa din.

Huwebes. Mataas daw yung grade niya sa exam niya. Kaya tuwang-tuwa siya at nag-aya pa na lumabas. Itreat niya daw ako sa gusto kong kainan kasi tinulungan ko siya. Pero parang wala naman din talaga ako naitulong, at sa tuwing lumalabas naman kami, siya naman talaga yung nagbabayad. Pero kahit ganun, sobrang saya ko pa din.

At ng Biyernes na yun, pagkatapos ng klase ko, agad naman ako nilapitan ni Jeffrey para ayain na namang lumabas. Siyempre hindi ako tatanggi. Kahit saan pa yun, basta kasama siya, sobrang saya ko.

Habang naglalakad kami sa mall, nakasalubong namin sina Christian at Ben.

"Uy mga pre! Andito din pala kayo?" excited na sabi ni Christian.

"Obviously." tipid na sabi naman ni Ben.

Habang nag-uusap sila, bigla kong naalala si Joseph. Gusto ko tuloy itanong kung nasan siya. Pero bago ko pa yun magawa...

"Hey guys." sabi ni Joseph mula sa likod namin ni Jeffrey.

Ewan ko kung bakit hindi ako matingin kay Joseph ng diretso. Nahiya ako sa kanya bigla. Sa totoo lang, nung araw na yun ko lang ulit nakita si Joseph pagkatapos nung immersion. Hindi ko na naisip pa na kamustahin siya ulit o kaya sabihan siya na nakabalik na kami.

"So what's up with you guys?" tanong pa ni Joseph.

"Mukhang may lakad ang magBF ah. Haha, join kami diyan." pang-aasar ni Christian.

SomedayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon