December 31. Huling araw ng taon. Hindi ko mapigilang hindi maging sentimental. Ang dami kasing nangyari sa taon kong iyon. May masama pero may magaganda din naman. Kaya nga ang una kong ginawa pagkagising ko pa lang ay magdasal sa Kanya para magpasalamat sa nakaraang taon at manghingi ng gabay pa para sa susunod.
Pagkatapos ng halos isang linggo ko sa bahay nina Jeffrey ay napagpasyahan namin na lumabas at mamasyal naman sa lugar nila. Wala naman daw gaanong mapupuntahan doon pero gusto ni Jeffrey na makita ko naman daw yung bayan nila. Pero para sakin, kahit wala kaming mapuntahan, ayos lang basta siya kasama ko.
"Bestbro, anong first impression mo sakin," tanong sakin ni Jeffrey habang nagdadrive siya.
"Huh? Tinatanong pa ba yan?"
"Eh ano nga?"
"Mayabang. Arogante. Feeling. Ganon..."
"Ouch naman."
"Oh eh mapilit ka kasi. Honest lang"
"Okay. Ahm, so ano naman yung pinakafavorite mong moment na kasama ako?"
Ano nga ba? Gusto ko sanang sabihin na yung Christmas eve namin eh. Pero hanggang ngayon, di naman namin napapag-usapan yung mga nangyari. Wala din naman siyang sinabi. Kaya di ko na lang din binanggit kahit lagi kaming magkasama nitong mga nakaraang araw.
"Yung birthday mo. Yung sa EK. Di ba ang saya nun?"
"Yeah. I remember. Di ba napilit pa kita nun na sumakay sa Space Shuttle?"
"Oo na halos ikahimatay ko. Pero enjoy naman. Hehe."
"Mmm.. Ano pa?"
"Ano pang ano?"
"Mga favorite moments mo?"
Kakapilit nitong si Jeffrey, sasabihin ko na talaga yung Christmas eve.
"Ahm, yung sa park. Yung first time natin dun sa swing game mo."
"Ah yeah, that was cute too. Especially when you asked me to be your bestbro di ba?"
"Adik ka. Ako talaga?"
"Yeah. Haha. Wag ka na magdeny bestbro. Tanda ko yun. Di ba you said you wanted to be my bestfriend?"
"Ewan ko sayo. Eh bakit kasi tanong ka ng tanong tungkol dyan?"
"Wala lang. I'm just looking back sa mga happenings sa buhay ko this year. And you're one of those who happened. Di ba? Hehe."
"Oo naman. At ang swerte mo. Di ba? Haha"
"We're both lucky."
"Alam mo, akala ko talaga magiging impyerno ang buhay ko pagkatapos nung first encounter natin sa school. Ikaw naman kasi, bakit kelangan mo pang asarin kaming mga taga-choir ng ganon. Grabe ka."
"Heeey, babalikan pa ba natin yun?"
"Eh di ba ikaw tong looking back. Naalala ko lang din."
"Ikaw talaga. I'm not really that person. It's just a facade. I just thought it makes me cool to be mayabang and arogante. Pero hindi naman na ako ganon di ba?"
"Alam ko naman bestbro. Sa ilang araw naman na nakasama kita, nakilala ko yung totoong ikaw. At ako na ang magpapatunay na hindi ka masamang tao."
"Thanks bestbro. That's really sweet of you."
"I know. Hehe. So ikaw senorito, ano naman ang favorite moments me with me ha?"
"Ahm... Secret."
"Anong secret? Ako nag-share ah."
"Oo na sige na. Galit agad eh."
"Oh, ano na nga?"
BINABASA MO ANG
Someday
RomanceCarlo is an average college guy with love and passion for singing and music. He is a good person with good principles in life. His life revolves only around his family, his studies, and his music, until he met Jeffrey. Jeffrey is a ric...