CHAPTER NINETEEN

4.9K 85 19
                                    

Sa tabing-dagat. Papadilim na ang paligid. Naglalakad ako. Nag-iisip ng malalim. Hindi malaman ang dapat gawin.


Patuloy lang ako sa paglalakad. Hindi ko pa alam kung saan ako patungo. Basta't naglalakad ako.


Hanggang nakita ko siya, nakatayo sa di kalayuan. Naghanap ako ng lakas ng loob na harapin siya at sabihin ang mga bagay na dapat niyang malaman. Huminga ako ng malalim at lumapit sa kanya.


At nang magkalapit na kami...


"Jeffrey..."


"Carlo..."


"May sasabihin ako sayo..."


"It's okay, I know it already..."


"Alam mo na? Pano?"


"I just know. I feel it. And I feel the same."


"Ha? Ano ba sinasabi mo Jeffrey?"


"Mahal din kita. Mahal na mahal"


At bigla niya akong niyakap. Mahigpit. Maalab. Tila ayaw niya akong pakawalan. Napakasarap sa pakiramdam.


Hanggang sa unti-unti na siyang tumingin muli sa mga mata ko. Mas lumakas pa ang tibok ng puso ko ng unti-unti niyang inilalapit ang mga labi niya sa akin. Unti-unti ko na ring ipinipikit ang aking mata.


Hinihintay ko ang kanyang halik...


Pero nagsalita siya...


"Ninong.. Ninong.."

Ninong? Tinawag niya akong Ninong?

"Ninong Carlo?"


Inaalog pa niya ako. Tila gusto niyang idilat ko ang mga mata ko. Hindi ko alam kung bakit.


"Ninong Carlo? Ninong Carlo....


... wake up!"


At napumulat ako bigla...


Nananaginip pala ako.


***

"Ate Brenda!"


"Surprise bunso! Kamusta ka na dito?"


Sabado ng umaga. Masaya kong sinalubong ang panganay kong kapatid. Bumisita siya sa bahay kasama ang pamangkin ko na siyang gumising sakin.


Pagkagising sakin ni Lance ay tinungo ko agad ang kusina kung saan nagluluto si Ate Brenda ng agahan namin. Nakakamiss din ang special fried rice niya. Mas lalo tuloy akong nagutom.


"Ninong Carlo. Look at my toy car oh."


"Wow naman Lance. Birthday gift ni Mommy sayo?"


"Yes po. Where's my gift from you?"


"Ate, five years old pa lang tong pamangkin ko, tinuturuan mo ng maningil ng utang ah."


"Haha. Wala akong kinalaman dyan ah."


Iba talaga ang pakiramdam pag kasama mo ang kapamilya mo. Dahil sa ilang buwang mag-isa ako sa bahay, noon ko na lang ulit naramdaman ang ganun.


Pagkatapos kumaen ay naglaro naman kami ng pamangkin ko ng mga laruan niya. Pinahiram ko din siya ng mga collection ko na Superman. Tuwang-tuwa naman siya sa pakikipaglaro sakin.


SomedayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon