Monday na naman at school day. Kung ako lang masusunod, dadagdagan ko ang weekends para mas mahaba ang pahinga.
At siyempre dahil Monday, may surprise quiz na naman sa unang subject ko. Hindi ako nakapagreview nung weekends kaya sa stocked knowlege ko na lang ako umasa.
Lunch break na ng makareceive ako ng text galing kay Sarah.
<hei boy-frend, dto me sa lobby ng school mo... Letz hav lunch>
At agad ko naman siya pinuntahan. Alas 2 pa naman ang sunod kong klase kaya may time pa na lumabas kasama si Sarah.
"San tayo kakain Sarah G.?" tanong ko kagad pagkakita ko sa bestfriend ko.
"Tara dun sa favorite nating restaurant before" sagot naman niya.
"Favorite restaurant? Meron ba tayo nun?"
"Shunga, yung karinderya na kinakainan natin nung high school. Namiss ko eh."
Natawa naman ako sa sinabi niya. Nakakatawa talaga tong si Sarah.
"Maka-restaurant ka naman kasi. Haha. Sige tara. Libre mo na taxi ha"
Medyo malayo yung lugar ng favorite restaurant namin sa school ko ngayon, kaya nagtaxi pa kami ni Sarah. At habang nasa byahe...
"Hoy Mendez, nakita ko pala si Superman mo kanina sa lobby. Pogi talaga. Chos"
At parang biglang tumalon ang puso ko. Hindi ko pa kasi siya nakikita ngayong araw. Wala din siyang text. Buti pa si Sarah, nakita na siya.
"Oh? Anong sabi?" sagot ko naman kay Sarah na parang wala lang sakin.
"Wala. Di naman ata nya ako nakita eh. Papasok pa lang siya nun. Nakaupo naman ako dun sa waiting area nyo"
"Ah. Okay." maikli kong sagot. Ayoko naman kasing mahalata ni Sarah na excited akong pagkwentuhan si Jeffrey.
"Asus. Ang arte-arte mo talaga Mendez." biro naman nya sakin. "Oh kamusta naman kayo?"
"Wala naman, ganun pa din. Ano ka ba Sarah G., mga tanong mo ah"
"Curious lang naman no. Arte mo talaga. Ayan andito na pala tayo sa resto."
Kung anu-ano ulit ang napagkwentuhan namin ni Sarah habang kumakain. Binalikan namin yung mga masasayang alaala naming dalawa nung high school sa lugar na yon. Napag-usapan din namin kung ano ng lagay ng mga dati naming kaklase.
Nakabalik naman ako agad sa school para sa sunod na subject ko. Si Sarah naman ay naisipang magpunta ng mall para magshopping.
Habang naglalakad ako papunta sa classroom, nakasalubong ko si Joseph, ang isa sa barkada ni Jeffrey.
"Oh hey Carlo, going to class?" masayang bati nya sakin.
"Yeah. Ikaw?"
"Same. You with Jeff kanina? I texted him, he's not aswering eh"
"Ah hindi. Kasama ko yung kaibigan ko maglunch eh. Si Sarah. Bakit?"
"Ah okay. He said kasi na we'll have lunch together nung band kasama ka. Maybe he changed his mind."
At bago pa ako makareact, dumating naman si Christian na parang narinig yung mga sinabi ni Joseph.
"Yow guys, nakipagdate tong si Jeff kaya di natuloy lunch out natin. Nakasalubong ko sila ni Tricia kanina eh. Gulo talaga kausap nung mokong na yon." kwento samin ni Christian.
"Really? Weird, he seemed excited pa naman when he called me earlier" dagdag pa ni Joseph. "I thought you guys went out together na lang instead" sabay tingin sakin.
BINABASA MO ANG
Someday
RomanceCarlo is an average college guy with love and passion for singing and music. He is a good person with good principles in life. His life revolves only around his family, his studies, and his music, until he met Jeffrey. Jeffrey is a ric...