CHAPTER TWENTY-ONE

4.5K 78 30
                                    

"Yeah he's alright. I already gave him some meds."

...

"No it's okay, I can take care of him here."

...

"Ok bro. I'll let you know if he wakes up."

...

Wala ako nakikita. Pero naririnig ko siya habang nagsasalita. Kahit anong pilit ko, hindi ko magawang maimulat ang mga mata ko. Hindi rin ako makapagsalita. Sobrang bigat ng pakiramdam ko. At hindi ko pa kayang labanan.

Kaya tuluyan na akong nagpatalo sa sakit.

***

Nagising ako muli. Naingayan ako ng bahagya sa naririnig ko. Mukhang tunog galing sa TV. Sa puntong iyon, nagawa ko ng idilat ang mga mata ko at bumangon. Mukhang mas maayos na din ang pakiramdam ko.

Pagkabangon ko ay saka ko napansin na hindi ko alam kung nasan ako. Ang damit at shorts na suot ko din ay hindi sakin. Pilit ko pang inalala kung ano ang mga nangyari at kung papano ako napunta doon. Hanggang sa nakita ko ang isang lalake na nakaupo sa sofa habang nanonood ng TV. Patayo na ako sana para lapitan siya nang mapalingon siya sa akin.

"Oh buti naman gising ka na. You feel better? Taas ng lagnat mo kanina eh" tanong ng taong inaalala ko pa kung kilala ko. Tumango na lang din ako sa kanya para ipaalam na ayos na ang pakiramdam ko.

Bigla siyang tumayo mula sa kinauupuan niya at kinuha ang isang tray ng pagkain.

"Heto kain ka na. Medyo lumamig na yan, kaninang umaga ko pa kasi binili."

Napatingin naman ako sa orasan na nakasabit sa dingding ng kwarto. Alas 2 na pala ng hapon.

"Asan ako?" tanong ko sa kanya.

"Sa apartment ko. Heto kain ka na? Susubuan pa ba kita?" sarkastikong tanong naman niya sakin.

"Hindi. Okay lang ako." sabay kuha ko sa tray at sinubukang kumain. Umupo naman siya sa kamang hinihigaan ko at tumabi malapit sakin para alalayan ako. At nang mas malapit na siya sa akin ay bigla ko namang naalala kung sino siya.

"Ian. Ikaw si Ian di ba? Yung kaibigan ni Joseph na photographer dun sa college ball?"

"Yeah. Kain ka na oh."

"Teka. Pano ako napapunta dito sa apartment mo?"

"Wala kang naaalala?"

"Wala eh."

"Ahh. Nakita kita. Kagabi. Naglalakad sa labas ng campus habang umuulan. Basang-basa ka at parang di mo alam kung san ka pupunta. Pauwi na ako nun eh. Tapos yun, nakita na lang kitang parang hinimatay. Kaya nagmadali akong puntahan ka. Lumapit ako sayo, pero gising ka pa pala nun. Tapos kung anu-ano sinasabi mo. Kaya sinakay na lang kita sa kotse ko at dinala dito."

"Ganun ba."

"Oo. Tinawagan ko na si Joseph kaninang umaga. Sabi ko ako na lang muna bahala sayo dito tutal may meeting siya na kelangan puntahan."

"Ah siya pala kausap mo kanina. Salamat ah."

"Okay lang. Carlo di ba?"

"Oo. Pasensya na sa abala."

"Wala yun. Ah, sige, labas muna ako. May kelangang lang ako puntahan. Iwan muna kita dyan. Sinave ko na yung number ko sa phone mo, kaya kung may kelangan ka, tawagan mo lang ako ah."

Pagkaalis ni Ian ay tinapos ko na ang pagkain ko. Sinubukan ko na din tumayo para hugasan ang pinagkainan ko. Medyo hilo pa at nanghihina pero kinaya ko naman. Matapos nun ay naglibot ako sa apartment niya. Studio-type ang apartment at napansin kong mag-isa lang siyang tumitira doon. Maayos naman ang lugar pero makalat at mukhang hindi pa nalilinis. Nagkalat ang mga damit, tirang pagkain at babasahin sa paligid. Sa isang mesa, nagkalat din ang iba't ibang litrato na alam kong siya ang kumuha. Mga litrato ng mga puno, hayop, bulaklak, langit, at kung anu-ano pang may kinalaman sa kalikasan ang nakita ko. Maging ang mga nakasabit na litrato sa apartment niya makakalikasan din ang tema. Mukhang iyon talaga ang mga bagay na hilig niyang kuhanan ng litrato.

SomedayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon