Parang kami, pero hindi.
Ganyan ko maituturing ang relasyon namin ni Ian. Wala naman akong sinabi na boyfriend ko siya, at ganun din siya sakin, pero parang ganun na din kung ituring namin ang isa't isa. Madalas kami magkasama. At sa mga sandaling hindi, magkausap naman kami sa cellphone o magkatext. Palagi lang din akong nasa apartment niya. Ipinararamdam ni Ian sa akin na espesyal ako kaya ganun din ako sa kanya. Maging sa school ay palagi din kaming magkasama. Hindi na namin alintana ang mga mapanghusgang tingin ng mga taong nakapaligid samin. Ang mahalaga lang ay masaya kami.
Ilang linggo na din kaming ganon ni Ian. Parang wala na kaming ibang kaibigan o kakilala dahil palagi na lang kami magkasama. Hindi ko na rin nakakasama at nakakausap sina Joseph, Dan, Ben, Christian, lalo na si Jeffrey. Pilit ko silang iniiwasan, hindi dahil sa galit ako sa kanila, kundi dahil gusto ko lang iwasang pag-usapan pa ang mga nangyari. Gusto ko lang mag-focus sa taong nagbibigay-saya sakin - si Ian.
Isang hapon sa school, wala akong klase, samantalang si Ian ay may activity na kelangang attendan. Kaya mag-isa lang ako. Naisip ko na pumunta na lang muna sa library para dun mag-aral.
Habang naglalakad ako sa hall papuntang library, nakasalubong ko si Danny. Medyo nagulat ako dahil noon ko lang ulit siya nakita simula nung college ball. Samantalang si Tricia naman ay paligi ko pa ding nakikita sa school. Pero hindi ko pa din siya nakakausap dahil nga sa mga nangyari samin ni Jeffrey. Di ko alam kung may idea siya, pero sa isip ko, mas mabuti ng umiwas.
"Uy Dan."
"Carlo. Long time no see. Kamusta ka na?"
"Okay naman. Teka, bakit andami mong dalang gamit?"
"Ahh eto. Mga gamit ko sa locker. Kinuha ko lang."
"Bakit?"
"Uhm. Sorry di na kita nasabihan. Di na kasi ako papasok dito sa school Carlo. Inayos ko lang yung mga dapat kong ayusin dito bago umalis."
"Ha? Bakit? Dahil ba kay..."
"Susunod na ako kay Mama sa UK. Dun na din ako mag-aaral."
"Talaga? Parang biglaan naman yan. Teka, nagpaalam ka ba sa kanila?"
"Malalaman naman nila siguro. Ikaw pa lang una nakaalam."
"Ahh. Ganun ba. Ingat ka dun."
"Oo naman. Thank you Carlo ah. Mamimiss ko kayo. Ahm, sige una na ako."
"Si Tricia? Alam ba ni Tricia?"
"Oo."
"Okay lang sa kanya na magkakahiwalay kayo?"
"Wala na kami Carlo. Hindi na rin niya ako kinakausap. So I guess okay lang sa kanya."
"Ha, bakit? Anong nangyari?"
"Hindi ko rin alam. Bumitiw na lang siya bigla. Wala na akong nagawa. I mean, noon, kaya ko tiisin ang lahat, kasi alam ko na pareho kami ng nararamdaman. Pero siya na din mismo ang nagsabi, hindi niya na ako mahal at tigilan na daw namin ang relasyon naming dalawa."
"Hindi ko maintindihan Dan. Bakit ganun?"
"Hindi ko rin alam Carlo. Pinilit kong intindihin. Pero ganun talaga eh. Mukhang di ko talaga kaya ipaglaban pa ang nararamdaman ko sa kanya. Kaya pinili ko na lang tong gawin. Pinili ko na lang lumayo, umiwas. Ayoko ng masaktan. Simula pa lang ng relasyon namin, palagi na lang ako nasasaktan. Gusto ko naman ng sumaya."
"Sana tama tong desisyon mo Dan."
"Sana nga Carlo."
Ngumiti si Dan sa akin. Mula doon ay nakita ko na buo na talaga ang loob niya sa pag-alis. At naiinitindihan ko ang desisyon niyang yun. Alam ko na madalas, mas madali na lang lumayo at umiwas kaysa patuloy pang masaktan. Alam ko yun kasi ganun din ang ginagawa ko.
BINABASA MO ANG
Someday
RomanceCarlo is an average college guy with love and passion for singing and music. He is a good person with good principles in life. His life revolves only around his family, his studies, and his music, until he met Jeffrey. Jeffrey is a ric...