"Totoo kaya yun?"
"Kaya pala sobrang close nila no? May something."
"Crush ko pa naman sila. Sayang."
"Ano ba kayo? Sa isang picture lang, nakapag-conclude na kayo agad."
"Duh, obvious naman na meron."
"So who's the gay one?"
"Both of them for sure."
Naririnig ko sila. Kahit alam nilang malapit lang ako, patuloy lang sila sa pag-uusap. Tila gusto pa nila iparinig sakin ang mga sinasabi nila. Gusto ko silang harapin at sabihin kung ano ba talaga ang nangyari para malinawan sila. Pero wala akong lakas. Ni hindi nga ako nalungkot o nagalit sa mga nakita ko. Parang wala lang. Parang manhid.
Patuloy lang din sa paglelecture ang professor namin hanggang napansin niya ang pag-uusap ng mga kaklase kong babae. At hindi niya yun pinalampas.
"Girls at the back row. Shall I stop this lesson now so you can go on with your chit-chat? Or should I send you outside this room right this moment?"
At natahimilk naman sila. Mukhang napahiya sa pagsita sa kanila.
Pagkatapos manermon ay napatingin sakin ang professor ko. Huminga lang siya ng malalim at nagpatuloy na sa pagtuturo.
Ilang minuto pa ay may isang estudyante na kumatok sa pinto ng classroom. Agad naman itong pinagbuksan ni prof.
"Sir, can I excuse Mr. Mendez? Pinapatawag lang po siya ni Dean."
Hindi nagsalita si prof at bagkus ay tumingin na lang siya akin at tumango. Tumayo naman ako kaagad para lumabas ng classroom. Hindi ko na pinagmasdan pa pero alam ko na pinagtinginan at pinag-usapan ako ng mga kaklase ko habang papalabas. Sa isip ko, bahala na sila kung anong gusto nila isipin.
Habang naglalakad papuntang Dean's office, hindi ko na tinanong yung student assistant na tumawag sakin kung bakit ako pinapatawag ni Dean. Wala lang din akong nararamdamang kaba o takot. Gusto ko na lang matapos kaagad ang araw na yon.
Pagdating namin sa office ni Dean ay pinagbuksan ako ng pinto nung student assistant. Ngumiti na lang ako sa kanya at pumasok sa kwarto.
At pagpasok ko ay nagulat ako sa nakita kong nakaupo sa desk. Binati niya ako kaagad.
"Good morning Mr. Mendez. Please have a seat."
"Thank you Mr. Santiago."
Wala si Dean at si Mr. Manolo Santiago lang ang nasa kwarto. Ang lolo ni Jeffrey. Saglit ko ding naisip kung tama ba ang office na napasukan ko. Sa isang banda ay naalala ko din na malakas nga pala ang impluwensiya ng lolo ni Jeffrey sa school namin kahit hindi naman siya parte ng school admin. Malamang ay ipinahiram lang ni Dean ang opisina niya para doon ako kausapin ni Mr. Santiago.
Pagkaupo ko ay saglit niya akong tinitigan. Seryoso ang kanyang mukha. Hindi naman ako makatingin sa kanya ng diretso. Sa pagkakataong yon ay naramdaman ko ang takot. Natakot ako sa kung anong sasabihin niya.
"Can I call you Carlo?" tanong niya sakin.
"Yes sir" maikling sagot ko.
"Alright. So Carlo, you may be wondering why I'm here, right?"
Tumango lang ako.
"Well, hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa because I know that you are aware of this issue. And I'm not here to hear any explanation about it."
"Hindi ko po maintindihan sir" naglakas ng loob na ako magsalita dahil hindi ko talaga alam kung bakit niya ako kinakausap.
Bahagya siyang ngumiti at iniabot niya ang isang envelope sakin. Binuksan ko iyon, tiningnan ang nasa loob. At nagulat ako sa mga nakita ko. Nasa loob ang mga litrato namin ni Jeffrey nung gabi ng College Night. Madaming litrato ang nakapaloob, bukod pa sa litratong nagkalat sa campus.
BINABASA MO ANG
Someday
RomanceCarlo is an average college guy with love and passion for singing and music. He is a good person with good principles in life. His life revolves only around his family, his studies, and his music, until he met Jeffrey. Jeffrey is a ric...