KABANATA 20

12 2 0
                                    

KAYE'S POV
(BETTER MAN by Day6 Jae)

"Good morning class sorry medyo na late ako ngayon"

Bati ko at paumanhin sa Polsci 4A habang inaayus ang mga gamit at powerpoint presentation. Ilang sandali lang ay pumasok na din si Jed na kasabay ko kanina

"Ma'am di ba po wala ng duscussion? practice na lang po tayo for polsci day?"

Takang tanong ni Corrine habang pinapanood ang ginagawa ko

"Yup, that's why we need to review Mr.Dela Cruz for tagisan ng talino"

I replied with a smile on my face at sandaling tinapunan ng tingin si Dela Cruz na ngayon ay mukhang interisado sa sasalihan nyang competiton

"Edi ma'am habang nag rereview po kayo ni Dela Cruz pwede din po ba kami mag practice ni Jed para sa mr and ms polsci sa likod?"

Aniya na malaki ang pag kakangiti at tinignan si Jed

"Sure-"

Sagot ko nang bigla itong putulin ni Jed

"We need to practice for acoustic night Corrine humanap ka nalang ng ibang makakapartner mo"

He glance at me at nilipat ang tingin kay Dela Cruz na ngayon ay katabi ko upang mag review

"Ma'am si Jed"

Baling sakin ni Corrine na para bang nang hihingi ng tulong habang naka pout. Hays ang hirap naman mag decide sa mga batang to. Naisuklay ko nalang ang kamay ko sa aking buhok

"Pwede naman yun ma'am diba sasali sya sa Mr.Polsci at kasali din sya sa Acoustic night?"

Muling pangungulit ni corrine. Bago pa man ako makasang ayon ay agad na itong tinutulan ni Jed

"Pwede pero ako ayoko"

Masungit na sagot ni Jed at ibinaling na ang paningin sa labas ng bintana

"How about you Vien?"

Tanong ko kay Vien na ngayon ay gulat sa tanong ko at hindi alam ang isasagot. Pansamantala nitong tinitigan si Corrine

"Please"

Dugtong kong pakiusap with a nice voice

"Y-yes ma'am, you're too cute para tanggihan"

Nakangiti nyang sagot at agad itong tinapunan ni Jed ng masamang tingin habang si Corrine naman ay mukhang na lugi

"Hays.. bakit ka pumayag Vien"

Aniya at inirapan si Vien

"Lugi ka pa sakin?"

Ganti nyang sagot kay Corrine at nag tawanan naman ang buong klase

"Si Jed ang gusto ko ayoko sayo"

Bulyaw ni Corrine at sinamahan ng masamang tingin

"Sorry ka nalang Corrine, kung kamukha mo si Ms.Lee ay baka sakaling pumayag pa si Jed sa alok mo"

Pang aasar nya kay Corrine at nag tahimikan ang buong klase sa sinabi ni Vien si Corrine naman ay tulala kay Vien

"Mas maganda kasi si Ms.Lee kesa sayo"

Dugtong nyang paliwanag at humagalpak ng tawa ganon din sila McKay

"Let's start Dela Cruz"

Aya ko kay DelaCruz at sinimulan syang reviewhin. After an hour ay iniwan ko na sya mag review upang tignan ang ginagawa ng iba na abala sa darating na event

A Beautiful Nightmare (The Beautiful Diptych 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon