KABANATA 11

242 127 25
                                    

JED's POV
(GOODNIGHT)

"What the hell Jed anong ginawa mo? You know what Bro? Kung may galit ka sa kanya sa na hindi mo na-"

"Hey are you crazy? Sa tingin mo talaga ay magagawa ko kung ano man yang iniisip mo? Hinimatay sya sa park hindi ko kasalanang mag drama sya sa ulanan no"

Akala ata nito sa akin ay demonyo sa kasamaan para gawin ko kay Kaye ang iniisip nya

"Bakit mo inuwi? Anong balak mo?"

Nang balikan ko sya ng tingin ay naka ngisi na ito

"Para kang sira. Iuuwi ko sa na sya sa kanila kaso mukhang masungit yung matanda sa kanila. ba ka isipin pa kung anong ginawa ko kay Kaye"

Paliwanag ko naman kay Jeo na may balak atang tumira sa bahay ko. Hanggang ngayon ay nandito pa din at na nonood pa ng Netflix habang naka taas ang dalawang paa sa mini table

"Basa sya, hindi ko sya pwede ilapag sa kama ko"

Problemado kong baling kay Kaye na ngayon ay mahimbing paring walang malay sa balikat ko

"Dito muna sa sofa. Gusto mo palitan mo muna ng damit baka lalong mag kasakit e"

"Ako talaga?"

"Ayaw mo ba?"

Natatawa nyang tanong kaya't sinamaan ko sya ng tingin habang inilalapag ko si Kaye sa sofa well leather naman ito kaya ok lang mabasa

"Alam ko na si Jaz, sandali tatawagan ko"

Aniya na dinudukot ang cellphone at agad na tinawagan ang pinsan na si Jazreel

"Sammy"

Nang lingunan ko si Kaye ay wala pa din itong malay habang may pumapatak na luha sa gilid ng mga mata

Hanggang sa pag tulog si Sammy pa din puro ka Sammy. Stop thinking about him Kaye forget him he lied to you, he made you cry

"Okay Jaz thank you"

Tugon ni Jeo na ngayon ay katatapos lang ka usapin si Jazreel sa cellphone

"Okay na Jed, mabuti na lang at na sa SM lang sya ngayon bibili lang daw sya sandali ng maisusuot ni Kaye"

Aniya habang itinuturo si Kaye. Mabuti na lang at si Jeo ang kasama ko at hindi si Vien dahil paniguradong walang bilang ang isang iyon sa gantong bagay

"Jeo tulungan mo ako gumawa ng soup"

Baling ko sa kanya. Mas marunong kasi sya sa akin sa kitchen. Actually wala naman akong alam sa pag luluto

"Sure ano bang mayron ka sa ref."

Agad naman syang pumunta sa ref. at chineck ang mga ka kailanganin. Nag tanong pa sya din naman pala ang mag titingin

"Broccoli, carrots and peas, celery, corn and cauliflower, green beans. Okay na to for vegetables soup"

Agad na nyang inasikaso ang mga kailangang lutuin habang ako ay naka tingin lang sa ginagawa nya

Wala naman talaga kong matutulong. Umaasa lang ako sa pag papa-deliver may mga stocks lang din ako dahil sa kagagawan ni Mr.Tan pag nandito kasi sya ay mas gusto nyang mag luto kaysa mag pa deliver

Ilang saglit pa ay tumunog na ang doorbell paniguradong si Jazreel na iyon

"Kuya Jed I miss you!"

Baling ni Jazreel at akma pang yayakap. Mabuti na lang at mabilis syang hinatak ni Jeo at sya ang tumanggap ng yakap nito

"Si kuya Jed ang gusto ko yakapin hindi ikaw"

A Beautiful Nightmare (The Beautiful Diptych 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon