KAYE's POV
(I LOVE YOU)"That's not true Kaye. Bawiin mo yang sinabi mo!!!"
Dinig kong pahabol na sigaw ni Ashell nang makapasok ako ng 4A at agad isinara ang pinto
"You're so cute Ms. Lee, i like your smile"
Bungad ni McKay nang makapasok ako ng room. I smiled at him
"Thanks McKay"
Nang malingunan ko naman si Jed ay seryoso ang ekspresyon nitong titig sa akin kaya't agad kong inabala ang sarili sa pag lalagay ng mga gamit sa table
"Good morning class"
Bati ko sa buong klase na bahagyang naka ngiti padin. Naaalala ko kasi ang sinabi ko kay Ashell kanina, paniguradong naiinis padin yon hanggang ngayon
"Goodmorning ma'am"
Masiglang sagot naman ng klase nang biglang bumukas ang pinto at iluwa nito si Ashell
"Why are here Ash?"
Natatawa kong tanong dahil sa ekspresyon ng kanyang mukha
"I'm not ugly Kaye!"
Nag tawanan naman ang buong 4A dahil sa inakto nya. Agad ko syang itinulak palabas habang natatawa at agad na isinara ang pinto
"Don't mind him class, attention seeker talaga sya"
Natatawa kong sabi at bumalik sa table ko
"Parang na inlove ako bigla kay sir Ashell"
Kinikilig na sabi ni Erica habang sinang ayunan naman ng iba nilang kamag aral. Hindi ko mapigilang matawa sa mga reaksyon nila
"Okay class.. practice na ulit tayo and review sa mga sasalihan nyo"
Sambit ko at hinanap si DelaCruz
"Let's start?"
Aya ko sa kanya
"Sure ma'am"
Agad naman syang tumayo at umupo sa tabi ko
"Dito ka nag stop kahapon right? Sige pasadahan muna ulit natin to bago tayo mag proceed sa next page"
Litanya ko habang sya naman ay napa patango lang. Lahat ng tanong ko ay na sa-sagot naman nya ng tama kaya mabilis lang naming napa sadahan ang inaral nya kahapon
"Good Dela Cruz, sure win na tayo nyan"
Pa puri ko sa kanya at inilipat ang papel sa kabilang page habang sya naman ay nahihiyang tumatawa
"Nako ma'am di tayo sure dyan"
Natatawa nyang tutol sa sinabi ko
"Si Psyche ang inilaban ni sir Ashell sa 4B"
Aniya na parang nawalan agad ng kumpyansang manalo
"Ano ka ba kaya mo yan no, basta mag focus ka lang sa mga tanong pag actual na, naniniwala akong mananalo tayo"
Pag papalakas ko naman sa loob nya na ikina ngiti nya. Bahagya akong nag inat at nang i-angat ko ang mata ay nag tama ang paningin namin ni Jed. Badtrip ang ekspresyon nitong titig sa akin at ibinaling ang tingin kay Vien na ngayon ay naka ngisi. Ano nanaman kayang problema ng isang yun?
"Ms. Lee can i have your time?"
Ani McKay habang papalapit sa amin ni Dela Cruz
"Sure"
Maigsi kong sang ayon at sinalubong sya. Nasa mag kabilang bulsa nito ang kamay habang nasa akin ang paningin at nag tuloy mag lakad palabas ng room
BINABASA MO ANG
A Beautiful Nightmare (The Beautiful Diptych 1)
RomanceJed Rhys Van Damme, a fourth year college student, falls in love with his College professor Allyanah Kaye Lee. Jed struggles with these feelings knowing their age gap and the fact that Kaye is his brothers girlfriend. Jed disheartened at first, but...