KABANATA 9

305 178 27
                                    

JED's POV
(LOVE ME BACK)

"Paki collect na lang class president. Then paki bigay sa akin bukas sa office Jed. Class dismiss"

Pa alam ni Mr.Lee Tuesday ngayon kaya hindi ko makikita si Kaye. Mabuti na din iyon at siguradong awkward lang ang mangyayari mabuti nga at 2 meetings lang kami every week

Ito namang pinsan nya ay puro utos bakit kaya hindi na lang sya ang mag collect kailangang ako pa

"Jed, okay ka lang?"

Ani Vien habang inilalagay sa bag nya ang black cattleya note book at isang libro

"Ofcourse, bakit naman hindi"

Kunot ang noo kong tanong

"Parang wala ka sa sarili, dahil ba hindi mo na kita ngayon si Ms.Allyanah Kaye Lee?"

Natatawa nyang pa nunukso at binigyang diin ang pangalan ni Kaye.

"Eww Vien ayoko sa matanda"

Inirapan sya at nag tuloy sa pag labas ng classroom

"Bro wag mong ka kainin yang sinabi mo baka mabusog ka"

Pa tuloy nito sa pang aasar habang tinatapik ang balikat ko

"Minsan parang masarap manuntok ng pinsan"

Baling ko sa kanya na ngayon ay bahagyang lumayo

"Hey I'm just kidding Jed or else totoo?"

Aniya na humahagalpak sa kalokohan nya

"Fuck you Vien"

Mariin ko syang tinitigan

"Hey watch your word Mr. Van Damme"

Nang lingunan namin ay si Dean Yvonne

"Ma'am? Sabi ko ho Love you. Mahal ko ang pinsan ko na yan higit pa kanino man Ma'am"

Tugon ko sa matandang namimilog ang mga mata at nag pa una na ito sa pag lalakad habang kami naman ni Vien ay hindi ma pigilang matawa sa reaksyong nito

4PM na at wala na kaming next class

"Anyway sama ka nag aaya si Jeo may problema ata"

"Sure saan ba"

I decided na sumama besides wala din naman akong gagawin sa bahay and hindi ko gustong sundan sundan si Kaye ngayon. Kahit kailan ay hindi ko ginusto sadyang na dadala lang ako ng makulit kong paa

Kailangan kong pigilan ang nararamdaman ko para sa kanya

"Sa bahay mo"

"Wow ang cute nyo mag decide ng location"

Sarkastiko kong sagot. Inaya pa ako kung sa bahay ko lang din naman pala ang na pili nilang lokasyon

"Bawal sa house nandon si Dad si Brian naman hindi makaka sama busy, si Douner may schedule din at obviously hindi pwede kila Jeo may problem nga sya sa Dad nya"

Paliwanag ni Vien na ngayon ay sinasabayan ang lakad ko

"Ano pa nga ba, sige sunod na lang kayo"

Agad na akong sumakay ng kotse si Vien naman ay dumiretso din sa kanyang Aston Martin

Sumalubong sa akin ang Jacket ko na ibinalik ni Kaye kagabi kaya't itinapon ko ito sa back seat

"I loved him. Tss move on Kaye"

Bakit ba ginagaya ko pa sya. Parang sira walang pupuntahan yang love na iniiyak mo

♬I'm hurting, baby, I'm broken down
I need your loving, loving
I need it now
When I'm without you
I'm something weak
You got me begging, begging
I'm on my knees♬

A Beautiful Nightmare (The Beautiful Diptych 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon