KABANATA 14

199 84 31
                                    

KAYE's POV
(LITTLE DRUNK ON YOU)

♬Carry on my wayward son
For there'll be peace when you are done
Lay your weary head to rest
Don't you cry no more♬

"Hello Ashell, kumakain na ko bilisan mo"

Bungad ko sa tawag nito sabi nya kasi kagabi bago nya ako ihatid sa bahay ay dadaanan nya ko ngayon para sabay na kaming pumasok. Pero ngayon 6:20 na ay wala pa din

"Okay chill, wala man lang goodmorning"

Aniya sa kabilang linya

"Ang sabi mo hindi tayo mali-late anong oras na mag co-comute ako pag 5minutes wala ka pa"

Asar kong sagot sa kanya at inend na ang call. Tatlong taon na kami nag tuturo sa school at tatlong taon na din akong best employee kaya ayokong mawarak iyon dahil lang kay Ashell

"Nak 6:28 na hindi ka ba ma late nyan?"

Tanong ni Nanay Dory na kaga-galing lang sa garden

"Alis na din po ako Nay. Si Ashell talaga kahit kailan pahamak"

Sagot ko naman na ngayon ay nag aasikaso na upang umalis. Agad akong nag tipa sa cellphone upang i text ang ungoy kong pinsan

*Wag mo na lang akong sunduin kung ipapahamak mo lang ako*

Bago ko pa matago ang cellphone ko ay naka pag reply na agad ito

*Okay goodluck, don't worry hindi ka mapapa hamak love ka ni Lord Voldemort*

Mabilis na sagot nito na nang aasar pa kaya't itinago ko na ang cellphone at lumabas na nang bahay. Dapat talaga hindi na ako na niniwala sa ungoy na iyon

"Ingat Nak"

Paalam ni Nanay Dory na pinag buksan pa ako ng gate. Naka ka limang hakbang pa lang ako ng dalawang mag ka sunod na busina ang gumulat sa akin mula sa likuran

"Ay santa barbara"

Gulat kong bigkas. Nang lingunan ko ito ay ang kotse ni Jed na ngayon ay sinasabayan ang lakad ko sa mabagal na pag mamaneho nito

"Buenos Días El Cariño"

Sambit nya mula sa sasakyan na maganda ang pag ka ngiti at mukhang good mood. Teka ano nga iyong Buenos Dias? Good morning ata iyon at ano naman ang El Cariño? Bakit ba kasi hindi na lang tagalugin

"Goodmorning?"

Balik kong bati ngunit sa patanong na tono. Hindi kasi ako sigurado sa sinabi nya

Mas bumungad ang magandang ngiti nito sa isinagot ko. Kuma kalabog na naman ang dibdib ko pakiramdam ko ay bawal kong sirain ang mood nya ngayon na para bang na nalo ng lotto

"Bonita"

Bulong nito at ini abante ang kotse. Bahagyang inunahan ang lakad ko at inihinto ito

"Let's go? Malilate ka kung hindi ka sakin sasabay"

Saad nito habang pa baba nang kanyang sasakyan at binuksa ang passengers seat. Thanks god hulog ka ng langit. Habang si Ashell ay binagsak mula sa langit

"Thank you, Tamang tama ang timing mo pahamak kasi si Ashell"

Pa sa salamat ko dito at pa bulong na sinisisi si Ashell. Hindi na ako tatangi sa biyaya baka mag tampo

"Thanks to him"

Dinig kong sambit nito ng isara ang pinto at dumiretso na din sa drivers side. Baka na mali lang ako ng dinig bakit naman kasi sya mag pa pasalamat kay Ashell di ba

A Beautiful Nightmare (The Beautiful Diptych 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon