KABANATA 18

114 12 184
                                    

KAYE's POV
(JEALOUS)

"Good morning sa pinaka maganda kong pinsan"

Bungad ni Ashell nang makapasok ito sa office at agad na iniakbay ang kaliwang braso sa akin

"Ano na namang kailangan mo?"

Malamig kong tanong habang tutok ang atensyon sa pag checheck ng quizes ng mga estudyante

"Pumasok na si Jed mukhang okay na. Pinuntahan mo ba kagabi?"

Ganting tanong nito na may ngiti sa labi at mapanuring tingin. inilapag ko ang red ballpen na hawak at sinalubong ang titig nya

"May alam ka ba Ashell?"

"Of course Kaye matalino kaya ako"

Pilosopo nyang sagot. Umakto pa ito habang tinuturo ang kanyang sintido. Ibinalik ko na lang ang atensyon sa mga papel. Malamang na wala syang alam

"Ano Kaye? Yung tanong ko wala kang balak sagutin? Pinuntahan mo ba si Jed kagabi?"

Pangungulit nyang tanong. Naka titig pa din ito sa akin na para bang nag hihintay sa isasagot ko. Muli ko syang nilingunan

"Curious? Nag aalala? Or chismoso?"

Balik kong tanong na naka taas ang isang kilay. Sumilay ang mapang asar nitong ngiti at na niningkit ang mga mata

"Hmm. Ayaw ipaalam? Baka confidential"

Aniya na tumatango tango pa at nag kunwaring nag iisip habang na ka hawak ang kanang kamay sa kanyang baba

"What ever Ash"

Bulong ko at na pa hinga ng malalim. Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin ngayon. Iiwasan ko ba sya? O mag pa panggap na walang nang yari? Kung lalayuan ko sya mag mumukha akong affected kung hindi ko naman sya lalayuan baka isipin nyang okay lang. Hindi pwede ano ba Kaye!

"Fuck"

Bulong ko nang hindi mapigilan ang pag ka inis. Agad na napa lingon sa akin ang mga ka office mate namin, gayon din si Ashell na ngiting demonyo sa tabi ko

"S-sorry"

Hingi kong paumanhin. Tumayo na ako upang pumunta sa next class na tuturuan ko. Mabuti na lang at wala akong schedule ngayon sa 4A

"Oh my gosh! Na kita nyo ba? Ang pogi nya! Ang pogi ng honey babe ko!"

Na ka kairitang sambit ng isang babaeng estudyante na tambay sa corridor kasama ang iba pa nitong kamag aral. Animoy kilig na kilig ang mga estudyante ngayon. Ano kayang meron, may artista bang pumunta dito?

"Ang hot nya sana akin na lang sya"

"Tse sa atin sya hindi sayo lang"

Natatawa na lang ako sa mga naririnig na kwentuhan ng mga ito. Buhay teenager nga naman na alala ko tuloy yung mga panahong nililigawan ako ni Sammy

"Walang inyo. Jed Rhys Van Damme is all mine!"

"Duh in your dreams never ka magugustuhan ni Jed"

Oh i see so si Jed pala ang pinag ka kaguluhan nila. Patuloy akong nag lakad pa puntang room ng Polsci4C

"Oh my gosh ayan na! Dadaan sya dito girl! Itulak nyo ko sa kanya ha"

Dinig kong muling kinikilig na sambit ng estudyante at lalong nag ka ingay ang paligid sa mga bulong bulungan ng mga ito. Pakiramdam ko ay unti unti ding bumibilis ang heart beat ko kaya't binilisan ko ang bawat hakbang. Wala akong ibang naririnig kundi ang yabag ng kanyang paa na pa takbong pa palapit sa kinaroroonan ko

A Beautiful Nightmare (The Beautiful Diptych 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon