KABANATA 5

408 227 82
                                    

JED's POV
(LOST STAR)

"Anong trip nyo kantahin bukas"

"This Love?"

Sagot ni Vien kay Brian habang inaayos ang gitara nya. Si Brian naman ay abalang nag pupunas ng bimpo sa mukha

"Si Jed lang ka kanta"

Biro ni Vien habang tumatawa. Actually hindi naman iyon biro dahil ako lang naman talaga ang makaka kanta bukas at si Jeo

"Bakit kasi nag party bar pa kayo kagabi?"

Inis kong tanong. Paano ay paos na paos sila ngayon at boses lang ni Jeo ang maaasahan ko bukas

"Ito kasing si Vien, lahat ata ng babaeng lumapit sa kanya para pa inumin sya ay walang tinanggihan, sigaw pa ng sigaw"

Paninisi ni Brian kay Vien at nag tawanan. Mukhang may mga amats pa. Pasalamat sila at practice pa lang

"Parang hindi ata ako yung maingay kagabi"

Sagot naman ni Vien at tumingin kay Douner na nag iinat pa

"Kumain na kayo?"

Ani Douner na kagigising lang. Dito kasi sila sa Studio umuwi at na tulog kagabi nang mga lasing na sila. Mabuti na lang at hindi ako sumama. Well hindi din naman ako pala inom. Minsan kasi ay sumasama ako para lang sa pakikisama. Kung uminom man ako ay sa bahay lang

"Ililibre mo ba kami?"

Tanong naman ni Brian

"Basta talaga pagkain ang bilis mo"

Entra ni Vien. Hinayaan ko na lang sila mag kwentuhan tutal ay inaayos pa naman nila ang mga gamit. Usapan kasi namin kahapon na mag pa practice kami ngayon ang kaso ay tanghali na sila nag sipag gising at mga mukhang wala pa sa katinuan

"Bili lang ako, mag pa pasabay ba kayo?"

Tanong naman ni Jeo na parang hangin lang na dumaan at walang naka pansin dahil sa ingay ng tatlong kumag na nag tatawanan sa mga kalokohan nila kagabi. I decided na samahan si Jeo sa seven eleven para bumili ng nissin cup noodles nang sa ganon ay mahimasmasan ang tatlong kumag. Kung hindi ay malamang na wala kaming ma p-practice ngayon

"Chanak!"

Sabay kaming na pa lingon ni Jeo ng may mag harutan sa likuran namin habang nag lalakad papuntang seven eleven

"Ungoy ka naman!"

Napukaw ang atensyon ko sa boses ng isang babae ang boses ni Kaye

Hobbies ata nilang mag asaran at mag usap ng malakas. Tuwing makikita ko kasi sila ay palagi silang ganyan parang aso't pusa, pero palagi din namang magkasama. Nang makapasok na kami ng seven eleven maya maya ay pumasok din sila. Dito rin pala ang punta nila

"Hanggang 3pm lang muna ko ngayon, may biglaang Family dinner kasi kami paki inform na lang sila Vien"

Paalam ni Jeo habang kumukuha ng mga bibilhing cup noodles. Kapansin pansin na parang walang energy ngayon si Jeo

"Sure, wag kang mag pupuyat, boses mo lang maaasahan ko bukas"

Paalala ko naman sa kanya. Sa tuwing na pupuyat kasi sya ay parang na wawala sa mood ang boses nya

Agad kong kinapa ang cellphone sa bulsa at nag type ng text message para kay Kaye na nasa coffee machine ngayon

*Are you feeling better now?*

Ilang saglit lang ay kinuha nya ang kanyang cellphone na tumunog dahil sa text message ko. Bahagyang kumunot ang noo at luminga sa paligid. Siguro ay nag tataka sya hindi kasi naka register ang number ko sa contacts nya. Malamang kinuha ko lang naman ang number nya kagabi habang na tutulog sya. Sinulyapan nya ang kasama at pilit na sinisilip ang cellphone nito

A Beautiful Nightmare (The Beautiful Diptych 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon