KABANATA 1

978 261 150
                                    

ALLYANAH KAYE LEE's POV
(BLOOD)

"Allyanah Kaye Lee!"

Kahit kailan ay napakalakas talagang mang inis ng unggoy na ito. Kung makasigaw akala mo kinder na inagawan ng lollipop. Nakalimutan atang mga professor na kami at hindi na mga estudyante. Kaya't salubong ang kilay ko syang nilingunan

"Mr. Lynch Ashell Lee hindi ako bingi!"

Ganti kong bulyaw na napalakas din. Kaya naman na agaw na namin ang atensyon ng mga estudyanteng kumakain sa canteen. Medyo madami ang estudyante ngayon lalo na't last day na ng enrollment. Agad na sumilay ang pilyong ngiti nito sa labi

Kapansin pansin din ang iilang babaeng estudyante na laglag ang panga sa mapang asar na ngiti ng ungoy kong pinsan

"Mr. and Ms. Lee"

Sabay kaming napa pitlag sa madiing boses ng kapapasok lang na matandang babae si Mrs.Yvonne ang Dean na malamang sa malamang ay pagagalitan nanaman kami

Sa mga tingin pa lang nito ay parang hinuhusgahan na agad ang buong pag katao ko

"Sorry po ma'am na dala lang ho ng emosyon"

Habang si Ashell naman ay mas lumaki ang pag kakangiti at napakamot pa sa ulo. Nag kamot pa lalo tuloy nag mukhang ungoy

Agad ako nitong hinatak palabas ng canteen. Ilang estudyante rin ang maririnig mong nag tatawanan sa na saksihang kahihiyan naming mag pinsan

"Bakit ba kasi tulala ka lagi para kang lutang. Nakalimang tawag na ko sayo hindi mo parin ako naririnig hindi kaya puno na ng tutuli yang tenga mo?"

Pang aasar nya at umakto pa na chinicheck ang loob ng tenga ko. Tinabig ko ang kamay nya ayoko kasing nakikita ang mala dwendeng shape ng tenga ko

Paano banaman simula elementarya ay inaasar na ako dahil sa tenga kong parang may sa dwende. Kaya naman palagi ko itong tinatakpan ng mahaba at may pagka wavy kong buhok

"Ano ba kasing kailangan mo bilisan mo na mahalaga ang oras ko lalo na't breaktime lang. Mabuti sana kung binabayaran mo yung bawat minuto ko"

Sambit ko at matalim ko syang tinitigan

"Sabay na nga tayong kumain. Bakit ba kasi parang palagi kang may lakad? Ayaw mo ba kong kasabay ha?"

Reklamo nya at ini-angkla ang kanang braso sa balikat ko

"Obvious ba"

Bulong kong sagot at nag hikab

"Pag ako nawala mamimiss mo din ako promise"

Sagot nyang tatawa-tawa. Sinamaan ko sya ng tingin

"Saan ba kasi kakain?"

Iritado kong tanong

"Tara sa Jollibee libre ko na mawala lang yang pag kainis mo. Hindi ka na nga maganda sumisimangot ka pa"

Ako pa pala ang hindi maganda ngayon gayong sya nga itong mukhang ungoy na kulang sa aruga

FYI palagi akong nagiging muse noon at nanalo sa mga beauty pageant. Marami din akong tiga hanga noong nag aaral pa kami kaya ang kapal ng mukha nitong sabihing hindi ako maganda

A Beautiful Nightmare (The Beautiful Diptych 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon