KAYE's POV
(RESTING PLACE)Dumaan ang Tuesday na parang kidlat lang. Wala akong ibang na iisip kundi si Jed. Kung paano nya ako mapapatawad. Ganon na din ang Daddy nya na si Mr.Jared. Tuwing makakatulog naman ako ay na gigising din agad sa mga ka kaibang panaginip.
"ALLYANAH KAYE LEE!!!!"
Halos mapatalon ako sa gulat ng sigawan ako ni Ashell mula sa likuran
"Alam mo Ashell iskandaloso ka. Hindi lang tayo ang tao dito. Isa pa tigilan mo ko ng ka sisigaw hindi ako bingi"
Inis kong bulyaw sa kanya. Ibinalik ko ang atensyon sa labas. Maganda ang panahon ngayon hindi masyadong maaraw
"Wow hindi ka pa bingi sa lagay na yan? Paano pa kaya kung bingi ka na? Baka hindi lang sampung tawag magawa ko"
Natatawa nyang pang aasar at umupo sa tabi kong silya. Matalim ko syang tinitigan
"Bakit ba kasi tulala ka na naman. Lalamig na yang kape mo oh, tandaan mo lahat ng pinapabayaan nang lalamig"
"Would you please lubayan mo muna ko Mr.Lynch Ashell Lee. Hindi ka na ka katulong"
Inis kong sagot sa kanya at tumungga sa basong may kape
"Ano ba kasing iniisip mo, may problema ka ba? Hindi ka naman nag sa sabi paano ako maka katulong"
Well may point sya. Hindi ko pa na i-kwento sa kanya ang nangyari noong isang gabi sa amin ni Jed. Nang tignan ko sya ay mukha naman syang seryoso at interisadong malaman ang iniisip ko
"Alam na nya. Alam na nya na ako ang dahilan ng pag ka wala ni Sammy."
"Anong reaksyon nya?"
Seryoso nitong tanong
"Galit sya sakin Ash. Hindi man nya sinasabi pero ramdam ko. Halata sa kilos nya. Ayaw nya marinig yung explanation ko. Parehas sila ng Daddy nya. Desidido akong gawin lahat mapatawad lang nila ko pero hindi ko alam kung pano. Kung saan ako mag sisimula, baka first move ko pa lang mapahiya na ko. Well expected ko naman na iyon pero hindi ko parin talaga alam yung gagawin. Parang hindi pa ako handa"
Mahaba kong paliwanag sa kanya at muli syang nilingunan habang umiinom ng kape ang itsura nya naman ay mukha pa ding seryoso sa pa kikinig sa hinaing ko
"Share mo lang?"
Na wala ang seryosong expression nito at na palitan ng pilyong ngiti hanggang sa naging isang ngisi
Sobrang inis ko ay hinampas ko sa mukha nya ang tissue na ipinamunas ko sa table kanina na na mantyahan ng kape ko, at iniwan syang mag isa
"Napaka childish mo"
Baling ko sa kanya bago tuluyang umalis at inirapan sya. Ipinakita ko talaga na na babanas ako sa attitude nya
Imagine todo kwento pa ako. To the point na na ngingilid na ang luha ko dahil akala ko ay may isang tao na na makaka dinig ng saloobin ko tapos ay sa sagutin lang ako ng *SHARE MO LANG* Feeling ko tuloy ay sumasama lalo ang pakiramdam ko. Para akong ni lalamig na ewan
BINABASA MO ANG
A Beautiful Nightmare (The Beautiful Diptych 1)
RomanceJed Rhys Van Damme, a fourth year college student, falls in love with his College professor Allyanah Kaye Lee. Jed struggles with these feelings knowing their age gap and the fact that Kaye is his brothers girlfriend. Jed disheartened at first, but...