Jinayna

2 0 0
                                    

"Picture tayo,"

"Sige."

"Akin na phone mo."

Inabot ko sa kaniya. Umayos kami ng puwesto. Maganda ang restaurant na nabook namin, kahit ang plating nila may wow factor.

"Teka, bakit may password to?"

Pinakita niya sa akin ang phone ko. Matagal ko siyang tinitigan. Kumurap siya ng dalawang beses. Okay, hindi niya ako pinagdududahan. Kumuha siya ng panyo at pinunasan ang labi ko. Medyo nagulat at napalayo ako sa ginawa niya.

"Uhm, hehe sorry. Uso kasing manakaw ang phone ngayon. Alam mo na, for safety." Binawi ko ang phone at tinype ang password.

"Jinay, sa walong taon na magkasama tayo ay tinatamad ka maglagay ng password. Pero ngayon, meron na."

Nanlamig ako. Tinitigan ko siya. Malambing niya akong sinubuan ng pasta. He both raises his airbrows and tilted sideways to play cute scratching on his temple.

"Bakit ganyan ka makatingin? Meron na na talaga?"

"H-huh?" Inabot ko sa kanya ang phone nang maunlock ito. Sumimsim ako ng juice. Paubos na ito, plano ko pa naman sanang ubusin ang juice ng paunti unti para doon ko ialay ang aking buong atensyon. This atmosphere, hindi niya man iyon mapansin ay mas lalo akong nasasakal. Gugustuhin ko pang mabasa niya ang isip at nararamdaman ko nang sa ganun ay hindi ako maguilty ng ganito katindi.

"Meron na nga." He said.

Lumipad ang tingin ko sa kaniya. Mabilis ang tibok ng puso ko.

"H-ha?"

Hinarap niya sa akin ang screen. Nanlaki ang mata ko at akala ko ay mabibitawan ko ang baso. Di ko man lang namalayan na nailapag ko pala ang baso sa lap ko.

Sumilip siya ng kunti para ipakita ang nagdududa niyang mga mata. Nakaharap sa akin ang phone.

"Kelan ka pa nagbago ng wallpaper?" He inspected.

My gosh! Nakalimutan ko! Nabura ko na ang lahat ng ebidensya sa gallery ngunit nakaligtaan kong palitan ang wallpaper! Sarap murahin ng sarili ko!

Inalis niya sa harapan ko ang phone at sumandig siya. May kinakalikot siya sa phone ko at mas lalo akong kinakabahan. Kaya nga ako pumunta rito sa plano niyang date dahil plano ko rin na umamin. Pero dalawang buwan ko na siyang pinanlalamigan, hindi pa rin niya pinagdududahan. Plano ko ng umamin ngayon, ngunit di man lang siya nagdududa at nagtatanong.

It is hard to confess when he is this innocent. Atleast if alam niya, I wont tell much. Pero kung wala siyang nalalaman, I'll be explaining everything and the longer the story, the longer my guiltiness will kill me.

"Nagbago ka na pala ng crush. Pero okay na rin, sawa na ako sa wallpaper mong laging si Tom Cruise. Sino ba itong bago mong crush, artista rin?"

That's the guy na ipagpapalit ko sayo. Urgh, nakaka-asar. Pero nakakakonsensya, sobra.

"Babe, sino to?"

Gosh, sobra na syang curious.

"Hehe, bakit guwapo ba? Nagseselos ka na niyan?" Sabi ko sa normal na pananalita. Tulad kung paano ko siya asarin dati.

"Mas guwapo nga sa akin, Jinay."

I want to think sarcastically na pinuri niya ang lalaking pinalit ko sa kaniya. Pero what can I do, mas kinakain ako ng aking konsensya. Maliban doon, mas naaawa ako sa kaniya.

"Pero bakit ako magseselos? Ako naman ang mas mahal mo di'ba?"

I laughed, a little bit nervous. Sumipsip ako sa juice. I dare not look at him while saying, "Sye..syempre."

Etc.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon