"Good Night."
I stared at the ceiling while uttering those words repeatedly. Bumalik ako sa wisyo nang masilawan sa chandeliers. Inalog ko ang bestfriend ko sabay humigpit ang kapit niya sa phone ko.
Naroon pa rin ang nang aalisa niyang mga mata. Nasa extreme ang brightness ng screen ko at iisang chat message ang pinaghihinalaan niya for thirty minutes. Binawi ko ang phone ko. I want her opinion now.
"So?"
She shrugged her shoulders. "Nag good night ang crush mo--"
"Mahal ko. Ten years ko na syang mahal. Ten years is not a crush anymore."
She rolled her eyes. "Edi mahal mo. Pero mahal ka ba?"
"Huwag mo nga ilayo ang usapan! Ang gusto kong marinig, ano ang tingin mo? Bakit siya nag good night? Di naman kami nagchachat ever!"
"Kalma, pwede? My gosh you are so desperate."
We are in a hotel restaurant. Kababa ko ng eroplano galing America kahapon. Naka pormahan na may prada bag kong pinasok ang Pinas. Ngunit, nang ako ay harangin noong pulis sa airport dahil sa pangit kong mukha na pinagkamalang white lady at makatanggap ng good night message sa minamahal ko, dumiretso ako ng hotel kesa umuwi.
Kapitbahay ko lang ang nag good night sakin! Nalusaw ang lakas ng loob ko na harapin siya simula noong hinarangan ako sa airport ng pulis. Kaya narito ako ngayon sa hotel at naguumagahan kasama ang bestfriend ko. She looks pretty, samantalang ako ay mayaman sa eyebags dahil sa kahapon. Kahihiyan sa airport, chat message sa crush, at masaklap na realization na di ko kayang harapin ang mahal ko sa ganitong itsura.
"Bakit niya ako ichachat ng ganun? Pangit naman ako. Mataba pa. Sobrang puti tapos sobrang kulot ang buhok. Napagkamalan pa akong white lady dahil sa itim kong dress kahapon--"
"Exactly, Fleile. Sino ba kasing taong maputi ang iisipin na maglugay ng buhok habang naka long black dress?"
"Eh yun kasi ang uso sa America."
"Pinas to Fleile! Straight na buhok, maputi, at itim na dress sa kulturang Pinoy, white lady ang tawag dyan. Idagdag pa na naroon ka sa labas ng NAIA at nakatunganga!" Uminom siya ng tubig. Nasestress siya sakin.
"Hindi ka talaga magugustuhan niyan ni Dots!""Kaya nga hindi ako uuwi diba? Dito lang ako. He said pa naman na, good night gorgeous. Samantalang natanggap ko iyong mensahe niya nung hinarangan ako nung pulis. Saying na kasama ako ng pranksteryus gang!"
"Just shut up, Fleile."
"Di lang kasi ako maka move on!"
"Pangit na nga, wala pang class."
"Anong klase kamg kaibigan, Sabrina?!"
"Pangit ka na nga, ang OA mo pa."
Sinalampak ko ang likod sa sandigan ng upuan. I crossed my arms and shot my eyebrow at her.
Sabrina sighed.
"I am just saying, di ka talaga magugustuhan ni Dots."
I stayed silent. She continued.
"Na wrong send lang siguro siya doon sa goodnight gorgeous niya."
Nanghina ako. Nakakawalang gana iyong pagkain sa plato ko. Maliban sa pangit ang mukha ko, sobrang taba ko rin. Still, Sabrina kept quiet about my outfit today. Kahit kasi pangit at mataba ako, alam niya na hindi ko kinakahiya ang paraan ng pananamit ko. They say, clothing is an expression.
Kaya ko sinuot iyong long black dress dahil iyon ang aking way na pagsasabi na 'I am brave despite my body shape'. Siguro dahil na rin sa kulturang West kaya mas lalo akong natutuwa iparada ang sinusuot ko.
"Hindi ka ba talaga uuwi sa inyo?"
"Sab, no. Kapitbahay ko iyong tao. Nakakahiya."
"Ngayon ka pa nawalan ng confidence?"
"I am just afraid...You know, every person has their own definition of gorgeous."
"Right. Na wrong send lang talaga iyong mahal mo. Kasi sa pangit at taba mong yan, di ka talaga gorgeous my gosh you are 85kilos--"
Tumahimik siya ng hinampas ko ang mesa. She cleared her throat.
"Besides, two years na kayong di nagkikita. At take note lang ha? Guwapo at habulin ng babae si Dots. Ngayon, dumagdag ang charms niya kasi may trabaho na siya."
"Anong trabaho?"
"I forgot."
May humintong waitress sa table namin.
"Ma'am, nais po kayong kausapin ng aming VIP ngunit nahihiya raw po siya kasi ang ganda niyo."
Tinuro ni Sab ang sarili.
"Ako? Maganda? Sino ba yan?"
"Ayun po oh."
Tumingin ang waitress sa likod ko at ituturo na sana ngunit may bumiglang estranghero na nagmadaling bumaba sa kamay niya.
"Ay sir! Siya po maam ang nagsabi na maganda kayo---"
Gulat at di makapaniwala sa nangyayari. Nakaramdam ako ng uhaw pero di ako makainom ng tubig.
"Dots?"
Nagkatinginan kami ni Sabrina. She nooded at me. Si Dots nga itong nasa harapan ko, hindi siya panaginip.
Nagmamadali niyang pinaalis ang waitress. Nalilito siya at ginugulo ang buhok.
"What are you doing here--"
Hinawakan niya ang kamay ko at dinala ako sa labas. Nang matantong kami lamang ang nasa lugar na iyon ay nakukuryente siyang binitawan ang kamay ko. I don't know what to say. I am so happy to the extent that I can't express this overflowing emotions.
Dots just held my hand!
"Fleile,"
Tumingala ako sakniya.
"Gusto talaga kitang kausapin. Gustong gusto talaga kitang kausapin--"
"Si Sab--"pinutol ko siya ngunit namutol rin ng aking salita.
"Akala ng waitress siya iyong tinutukoy king maganda---" He stopped when he saw my criticizing eyes.
He continued nervously.
"--maganda siya--p-pero mas maganda ka--- gustong gusto kitang kausapin. Nahihiya lang ako. Fleile..Ang ganda ganda mo sa kahit anong kulay ng suot mo. Kahit nakarainbow dress ka ngayon or naka black kahapon---""Kahapon?!"
"Oo..sa airport. At sa passenger seat. Gusto sana kitang kausapin ngunit palaging hindi tama ang oras."
"Wait..." May hinala ako ngunit gusto kong siguraduhin.
"Anong trabaho mo?""Piloto ako." He combed his hair.
"Lagi kitang nakikita. Ngunit sa tuwing sasakay at bababa ka ng eroplano, hanggang salubungan lang tayo.""Dots, you are making me...I don't know! Shocked? Excited? Nervous? Ang gulo!"
"You are gorgeous, Fleile. Nahihiya lang akong kausapin ka. Kasi ang ganda ganda mo. You attract everyone's attention and I don't know if I will be able to attract you."
"Maybe I looked horrible to you kasi ganito ako--"
"No, Fleile. You are gorgeous because you are confident. You express yourself in colors you want and by how you feel. I liked you because you are being you."
𓂉ᶜᵃᵇˡᵘʷⁱ

BINABASA MO ANG
Etc.
Fiksi UmumEach chapter is named to the persons who have experience different twists in life that caused pain, realization, and discovery of self worth.