Sa sigaw ko ay nagsilitawan ang ulo ng mga usiserang kapitbahay sa kanilang bintana at nagliparan ang mga ibon sa puno ng mangga.
Nakakahiya ang ginawa ko, ngunit hindi ko magawang depensahan ang sarili. Pabagsak kong sinarado ang pintuan para magkulong sa kuwarto. Malamang ay kakalat na naman sa baranggay ang kasamaan ng ugali ko sa pag 'Share Ko Lang' ng mga kapitbahay.
Nobody would understand me. I punched the wall in frustration and anger and pity. Alam kong lilipad na naman ang tsismis sa barangay at ako ang sakay. Pinalipas ko ang oras bago lumabas. Nakasanayan na rin, magsisigawan, papakinggan ng mga kapitbahay, iiyak ako sa kuwarto, at kakausapin si mama kahit na alam kong magsisigawan lang naman ulit kami.
Ako ang bastos at walang kuwentang anak, na sumasagot sa magulang. Masama ang tingin ng mga tao sa akin dahil lang sa hininto ko ang pag-aaral. Madalas rin akong makita na may mga kasamang barkada. Inisip nila na bobo ako at palabarkada. Kapag bibili ako sa tindahan ay iba makatingin ang mga tindera at minsan may mga tao pang pa-obvious.
"Ang bastos, araw-araw sinisigawan ang magulang. Pagkatapos palakihin...Kawawa naman sina..."
Nahihiya na akong lumabas at bumili sa tindahan.
Isang araw ay nagsigawan na naman kami ni mama, ang mahilig pagtalunan ay ang remote.
Namataan ko na naman ang taenga ng mga kapitbahay.
Kinuha ko nalang ang remote at nilakasan ang tv sa pinakamalakas na volume. Sakto ay dumaan ang mga dumaan ang mga barkada ko na may dalang inumin para magcelebrate. Sila ang mga taong umaabot ng tulong sa akin.
"Pre tara inuman!"
"Sige! Sandali lang!"
Nagpaalam ako kay mama. Narinig ulit ng mga kapitbahay ang sigawan namin ni mama at nakita nila akong papalapit sa mga barkada ko.
As usual, masama na naman akong tao. Masama na naman akong anak.
"Congrats pre! Engineer ka na ata! Mapapagamot mo na ang nanay mo at makaririnig na siya!" Salubong ng mga barkada ko.
𓂉ᶜᵃᵇˡᵘʷⁱ
BINABASA MO ANG
Etc.
General FictionEach chapter is named to the persons who have experience different twists in life that caused pain, realization, and discovery of self worth.