I always think, whenever I scroll through news feeds, how lucky are those people being in love and being loved.
How does it feel like? I can't stop wondering.
They have their valentines celebrated with roses and toys given to them. Guys who confessed and wanted to court them. Messages and drinks during lunch time. Someone they can have a ride back home and someone who wanted their attention.
Ano kaya ang pakiramdam na may nagmamahal sa'yo? Ano kaya ang pakiramdam kapag iniiyakan ka ng lalaki?
Wala akong karanasan sa pag-ibig. Naiingit ako sa mga kaibigan ko na happy sa lovelife nila. Ngunit, naiisip ko ang pag-ibig na magpaiyak ng lalaki. Yung ako ang lubos na minamahal, yung ako ang sinusuyo at niluluhuran, at yung pinaglilingkuran sa kahit anong panahon at kagustuhan ko.
Gusto ko magkaroon ng lovelife at magpaiyak ng lalaki.
"Aisy, gusto ka raw nung si Carlo." linya ng mga kaklase ko.
Nagbago ang pananaw ko sa buhay. Nakaramdam ako ng awkwardness, hope, kaba, denial, at pagtataka. Kinakabahan ako sa kung ano ang pwedeng gawin ni Carlo. Inaabangan ko kung paano magreact ang lalaki sa kanilang nagugustuhan.
Natutuwa ako, siya ang unang lalaki na aminadong nagkagusto sa'kin. I never heard someone liking me.
Sa ilang buwan kong kinakabahan sa pagpasok, walang nangyari sa amin ni Carlo. Crush niya lang ako, pero torpe.
Unang 'lovelife' ko na sana yun, unang hint na magkakaroon na ako ng ganun, tapos wala naman pala.
Nawala yung kaba ko kay Carlo. Bumalik ako sa pinaka normal na paraan na pakikitungo sa kaklase. Bahala siya, torpe. Guwapo pa naman sana.
"Hoy babaita, may crush daw yun sayo oh."
Naka-abang si Kyle, naroon nakaupo saking upuan. I heard that he likes me. Siguro dahil sa naranasan ko kay Carlo kaya bumaba ang awareness at excitements ko sa ganito, kaya di ko napapansin ang galawan ni Kyle.
Saka ko lamang nadiskubre na gusto niya nga ako noong kinukulit niya ako sa canteen. Pasilip silip sa bawat pag kain ko, at umaabang sa aking upuan tuwing ako ay wala. Madalas ang pananadya niya ng pagdaplis ng kaniyang kamay sa aking kamay. Nagpapanggap rin na hindi niya naiintindihan ang isang tanong sa asignatura kaya lumalapit sakin. Palagi rin siyang nasa grupo ko samantalang hindi naman palaging parehas ang counting. Tumutulong siya sa paglilinis ng classroom at walang mintis ang paglapad ng ngiti sa tuwing ako ay dumadaan.
Nakikita ko siyang umaabang sa akin sa hallway at babatiin ako ng magandang umaga. Tatanungin kung ako ay kumain na. Kapag may kausap akong lalaki, biglang nakikisali.
At kapag nagtatanong ang ibang tao tungkol sa full name ko, nauunahan niya ako sa pagsagot samantalang pangalan ko iyon.
"Huwag ka na magpaganda. Ayos na rin naman." Minsan niyang sinabi sa'kin.
Naging malinaw sa akin ang nararamdaman niya noong lumapit siya sa akin para magtanong tungkol sa aking facebook account. Yung mga pag-aalala sa mukha niya at ang pagkabalisa kapag hindi ako nakikita. Naiirita at nagtatampo sa panahong binabalewala ko. Naghahabol kapag iniiwasan ko.
At sa bakanteng oras namin sa klase, pinalibutan siya ng mga barkada niya dahil sa kaniyang pag-iyak.
And I heard, "Crush mo lang naman, bakit mo iniiyakan?"
'Di ko alam kung ako nga ba ang iniiyakan niya o ibang babae. Ilang buwan na rin kasi akong umiiwas sa kaniya. Naririnig ko na crush niya nga raw ako at bakit hindi ko masuklian. Pagkatapos, nabalitaan ko ang biglaan niyang paglipat ng interes sa ibang babae.
Hindi ko siya tipo. Idagdag pa na may gusto siya sakin tapos biglaang lilipat sa iba. Besides, hindi siya personal na umamin ng nararamdaman sakin. Dumadating sakin ang nararamdaman niya dahil sa mga kaibigan niya.
Ngunit, ako man ang niluhaan niya o hindi, ako pa rin ay naguguluhan.
Gusto ko lamang ay magpaiyak ng lalaki sa pag-ibig. Pero, dumating na nga ang mga lalaki sa buhay ko pero di ko maramdaman ang kahulugan ng pag-ibig.
Not until one friend of mine returned from the seas.
Kasama ang mga lalaking tahimik na nagkakagusto sa akin, naabutan ko ang kaibigan ko na naghihintay sa tapat ng gate. Nanlamig ako, naninigas, at sobrang kinakabahan na excited.
Bumalik siya!
Mabilis akong tumakbo palapit sa kaniya at walang alinlangan na siya ay niyakap. Nauna ang mga kasama ko at iniwan kaming dalawa. Tinapos ko ang tinginan ng lalaking nagkakagusto sa akin sapagkat nababasa ko ang iritasyon at selos niya nang makitang may niyakap akong lalaki.
Balewala ang tingin niyang iyon sa akin. Bahala na kung paano niya ako tratuhin bukas. Tinuon ko ang atensyon sa kaibigan ko at nagdalawang isip kung yayakapin ko pa ba siya.
"Kumusta ka na Cole?!" Ako ang unang nangumusta.
Nginitian niya ako at nag-aya na librehin ko siya. Humaba ang buhok niya, kahit hindi bagay sa kaniya. Hindi siya komportable sa akin, ramdam ko iyon. Pero hindi ko maipaliwanag kung bakit umaapaw ang saya ko sa pagbabalik niya.
Kahit hindi bagay sa kaniya ang hairstyle niya, kahit awkward siya sakin, at kahit di ko alam kung bakit siya bumalik ay labis ang saya ko dahil nayakap ko siya.
Mabilis natapos ang yakap namin dahil may patutunguhan pa siya. Umuwi ako dala ang ala-alang iyon. Habang nasa bahay ako ay dumating ang balita sa akin tungkol sa dahilan niya sa pag uwi.
Bumalik siya para sa babaeng mahal niya.
At doon ako naiyak. Realizing that it will be our last hug. Since he will return to Singapore because his girl refused his love. Hindi na siya babalik rito muli.
Ako pala ang iiyak. Inamin ko na sa sarili ko na ang pag-ibig na hinahanap ko ay siya. Ngunit, hindi ko matanggap. Mahirap kasi tanggapin ang katotohanan na tagal naming magkakilala ay matagal ng nahuhulog ang loob ko sa kaniya.
Imposible.
𓂉ᶜᵃᵇˡᵘʷⁱ
BINABASA MO ANG
Etc.
General FictionEach chapter is named to the persons who have experience different twists in life that caused pain, realization, and discovery of self worth.