Ratan

0 0 0
                                    

Lumiwanag ang restaurant dahil sa mga lampara at kandila. Pinili ko ito dahil sa tradisyunal at romantiko nitong ambience. Gusto kong isipin niya na ang panliligaw ko ay maka sinaunang panahon. Gumawa kasi ako ng research at napag-alaman kong nahuhulog ang mga babae sa ganoong klase ng panliligaw.

"Dito po, Miss Francea."

Mabigat ang paghinga ko sa ilalim ng makapal na tuxedo. Maaaring sa mainit kong pakiramdam kaya namamasa ang salamin ko. Pinunasan ko iyon at nalinawan sa kagandahan ng binibining papalapit sa akin. Sinenyasan ko ang waiter kaya umalis siya, naiintindihan na ako ang maghihila ng upuan.

I wish I could sit beside her. Pagkabalik ko sa aking puwesto ay walang mintis ang pagpuna ko sa kaniyang kagandahan.

Suot niya ay autumn sleepwear. Mukhang naantala ko siya sa kakanuod ng netflix. Kinuha ko ang maliit na popcorn sa pisngi niya.

"A-anong pinapanuod mo?" Sa lahat ng napili kong itanong, ang pinakabaduy pa. Pero ang sabi niya kasi kanina sa tawag, nanunuod siya at nalimutan niya ang date namin. Halatang nagmamadali siya papunta rito kaya hindi na nakapalit ng sleepwear. Still, I like it. She look cute.

"The Space Between Us. Paborito ko. Crush ko yung bida kasi matalino at guwapo." She replied casually.

"Parang ako lang? Guwapo? May crush ka na pala sakin?"

Inalisa ako ng mga mata niya. Nang inakala kong kikiligin siya ay dinaan ko nalang sa tawa. Napawi ang pagngiwi niya at nakitawa.

"Akala ko nagbibiro ka..."

Uminom siya ng tubig at nagpunas sa bibig.

"Nga pala, Ratan."

Tama nga sila, gumaganda ang pangalan kapag taong mahal mo ang tumawag. Kinahihiya ko ang ngalan ko, pero...hindi ngayon.

"B-bakit?"

"Yung pagpapadala mo sa akin ng tsokolate at bulaklak tuwing umaga, yung mga lunch boxes, at yung paghaharana mo tuwing gabi..." her dimples showed as she speak.
"nasisiyahan naman ako...pero pwedeng itigil mo na?"

Nahihirapan akong hanapin ang katotohanan sa kabila ng kaniyang matamis na ngiti.

"Ha? S-sige."

"Ratan sorry ha? Kasi ano...yung mga kaklase natin atsaka yung mga tao sa bahay..."

"Naiintindihan ko. Ayaw mong nililigawan kita?"

Nahihiya siyang tumango.

She gave me a pitying look.
"Kelan ka ba susuko? Limang taon ka ng nanliligaw. Alam mo naman ang dahilan ko."

"Dahil hindi natuturuan ang puso na magmahal..."

"Tama ka, Ratan. Mayaman ka..uhm..matalino..." she is stuttering and thinking.

"Pero sobrang pangit?" Dugtong ko. Umiwas siya ng tingin. Di niya rin naisubo ang kinakain.

"Hindi kaya dahil pangit ako at marami akong imperfections, kaya hindi mo ako magawang mahalin?" I started to feel the lump in my throat.

She gazed at me and waved her hands. The sweet innocence in her look fired my admiration for her. Grabe, mahal na mahal ko talaga ang babaeng ito.

"Ma..mali ka..Hindi ako mapili at judgmental..Hindi ako pumapalagay sa looks para magmahal." She sounded like a kid, and a lady.

"Francea, ang perpekto mo kasi. Maganda, mayaman, sikat sa school, nagtatrabaho na, at mabait."

"Hindi sa ganun...." she held my hand.
"Ratan, no matter your identity is...hindi naman qualification ang perfection para manligaw."

"Pero ako ang pinakapangit."

Araw araw niyang nakikita ang ilong ko na pango, magaspang at oily kong pisngi, kutis na maitim, maitim kong labi, at ang nakakadiri kong ngipin. Nawawala ang confidence ko. Ganun, maari, kapag nagmamahal.

Hindi siya umapila sa sinabi ko. Kumbinsido akong di siya makapagsinungaling.

"Naiisip ko lang na baka imperfect ako kaya hindi mo ako kayang mahalin." Umiling iling ako nang masabi iyon.

"Kumain nalang tayo, pasensya ka na sa akin Francea."

Pagkatapos kong maihatid si Francea ay nagpuyat akong magsulat ng anonymous love letter. Sa ganoong paraan, hindi siya mapapahiya sa mga kaklase namin na sinulatan siya ng panget na nilalang.

At naiintidihan ko rin si Francea. Nagmomodelo siya habang nag-aaral, wala siyang oras para umibig. Sinasang-ayunan ko siya. Sa loob ng limang taon na panliligaw ko, hindi niya pa rin ako magawang mahalin. Totoo ngang hindi matuturuan ang puso. Isa pa, maraming guwapo sa industriyang pinagtatrabahuan niya ngunit hanggang ngayon ay single pa rin siya.

Ibinuhos ko sa love letter ang matindi kong pagmamahal para sa kaniya, ngunit hindi ko binanggit na ititigil ko ang panliligaw. Kung ibabanggit ko iyon, paniguradong matuturo ako ng mga tao sa listahan ng kaniyang mga manliligaw at mapahiya pa si Francea.

Pwede rin siyang itukso sa media na 'Ang modelong si Francea, nagkagusto sa panget kaya hindi magawang ibusted sa loob ng limang taon'.

Iniwan ko ang letter sa school bulletin board. Ngunit, pagsapit ng alas diyes ay hindi ko inaasahang palilibutan iyon ng interes ng mga tao.

Tumago ako at sumilip sa imahe ni Francea na binabasa ang sulat. Naririnig ko ang mga sinasabi ng kaibigan niya.

"Hala baka galing kay Mike ang sulat? Yung modelo na mayaman, successful, at guwapo?! Yung sobrang perfect na parang greek god?!"

"Determinado akong galing yan kay Mike! Bagay kayo, Francea. Magpapaligaw ka ba?"

Francea looked at them.
"Oo naman. Bakit hindi?"
And she smiled.

𓂉ᶜᵃᵇˡᵘʷⁱ

Etc.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon