Dalawang buwan na may pinaghalong pait at saya. Dalawang buwan bago ang graduation.
Ilang taon ko ng itinatanggi ang nararamdaman ko para sa kaniya. Bawat taon na bumabalik ang klase, napapansin ko na lumilitaw ang feelings na iyon kahit anong iwas ko. May mga oras na hinabol niya ako para sabay kami, may aakbay at tatawa sa gilid ko, iyong nasa armchair ako at biglang bubulong siya mula sa aking likod, nakakagaan ng loob nang siya lamang ang tumulong sa akin, at iyong tumakbo siya sa ulan tungo sa akin para sumilong sa aking payong.
Tatatak sa aking isipan ang memorya sa ilalim ng payong na iyon noong hinawakan niya ang kamay ko at inilapit ang mukha sa akin.
He was all smiling. How he hold my hand for the courtesy to hold the umbrella instead. Dalawang beses lang din nagkaisa ang aming mga kamay. Iyong senaryo sa payong at iyong sa physical education activity.
Mahigpit ang kapit naming dalawa sa isa't isa, para hindi bumitaw at makawala. Kapag makawala kasi, tanggal na sa laro at maaaring hulihin nung taya.
Habang ako ay nagsusulat at nagliligpit ang lahat para sa isang school activity, nadulas ang aking kamay dahil sa balanse ng biglang pagtaas ng upuan ko. Halos dumikit ang katawan niya sa akin habang ang parehong kamay niya ay nasa magkabilang gilid ko.
I shrieked in panic. Though, I don't know how to react since he is so close to me.
"Zash!" tanging nasabi ko.
Nang binanggit ko ang pangalan niya ay tawang tawa siya kahit sobrang lapit ng mukha sa akin. Ramdam ko ang hininga niya. Dahilan kaya nahihirapan ako magsalita. I wonder if he could feel my breathing too.
"Try ko lang buhatin." he said.
Mas lalong lumapit ang mukha niya sa akin nang binuhat muli ang upuan ko. Umangat iyon, siguro mga 3 inches from the floor, at nabitawan. Mas lumakas iyong tawa niya.
"Ang bigat mo, Sheil!" he remarked.
Gusto ko matawa at hayaan ang emosyon ko, ngunit tinaasan ko lang siya ng kilay. What he said was somewhat insulting, but I liked what is happening.
Him laughing, calling my name, and being this close to me.
"Sino ba kasi nagsabi na ikaw magbuhat?" masungit kong deklara.
Irish screamed behind him.
"Uyyyy! Sanaol magjowa!"Nakakulong pa rin ako sa pagitan ng mga braso ni Zash. Ang mga kamay niya kasi nasa magkabilang gilid pa rin ng upuan ko. Nang sumilip si Irish mula sa balikat niya ay nagulat siya ng makita ako.
I raised my eyebrow.
A little bit dismayed, she said, "Sorry."
"Ako na magbubuhat ng upuan mo." Zash called my attention.
Hinintay ko ang pagdistansiya niya bago ako tumayo at umalis. Masyado kasi akong advance mag-isip, baka kasi pag tumayo ako at nasa harapan ko pa rin siya ay magkahalikan pa kami. Siya ang bumuhat sa upuan ko at pwinesto sa tabi ng upuan niya.
Minsan na rin akong umupo sa lapag habang nanunuod ng anime. Dumating siya at tumabi sa akin. Sa loob ng classroom na kaming dalawa lang, nawala ang atensyon ko sa pinapanuod.
Masyado rin akong nag-aalala dahil malapit siya sa buhok ko. Maaaring mapansin niya na nakatali ang buhok ko, at saka maisip niya na ganun iyon para sa kaniya. Balita ko ay gusto niya ang babaeng nakatali ang buhok. Totoo, nagtali ako para mapansin niya.
Kesa lumayo ako sa kaniya ay mas napapalapit ako. Iniisip ko kasi ang pag-aaral niya ng kolehiyo sa ibang bansa, kaya hinahayaan ko ang sarili at sinusulit ang panahon.
"Sandali.." Pakiusap ni Thaliah kaya nahinto ako sa pagkukuwento. Nabigyan ko ng minuto ng pag-iisip ang sarili, kung sasabihin ko ba kay Thalia ang ngalan ng taong iniibig ko. Ngunit, nababahala ako sa nakatali niyang buhok at sa balikat niya kung saan natutulog ang boyfriend niya.
Nakasuot kami ng toga. Narito kami sa farthest row of seat ng stadium at nagkukuwentuhan. Tanaw dito ang hinahandang graduation event. Ginagamit ng ilang mga tao ang libreng oras sa pagpipicture sa red carpet na inilatag sa grass. Susurpresa ang red carpet sa entrance at aabot sa dulo na may wall sized flat screen. Ilang buwan din hinanda ang stadium para sa event na pinakahihintay ng lahat.
Pagkatapos masiguro ni Thaliah na tulog ang binata niya ay agad siyang humarap sa akin.
Nae-excite siyang bumulong.
"Teka, bakit nagsorry si Irish sayo noong makita na ikaw yun?"I sighed. Ito yung parte sa kuwento ng pag-ibig, na lagi kong kinakalimutan. Kinakalimutan ko kasi masakit ang katotohanan.
"Akala niya kasi, ako yung girlfriend." Medyo malakas kong pagkasabi. Napatango tango siya. Namalayan namin ang unti unting paggising ng binata niya. I panicked, pwedeng nagising ito dahil sa kalakasan ng boses ko o dahil tumama ang buhok ni Thaliah sa mukha niya.
His eyes were sleepy, and she comforted him like he was a baby. Minadali ko ang pagtanggal ng tali sa aking buhok, baka sakaling makita ng binata ni Thaliah.
"Stop." Zash said, rubbing and blinking his eyes, before staring at me.
"Ngayon lang kita nakitang nakatali. Keep it that way. You look beautiful."Magaan na bumagsak ang ulo niya sa balikat ng girlfriend niya. Nakatingin pa rin siya sa akin. Hinaplos ni Thaliah ang ulo niya.
"Uyyy, belated happy 3rd anniversary sa inyo! Sanaol!" Napadaan si Irish, kinikilig sa kanilang dalawa. This time, she didn't apologize.
𓂉ᶜᵃᵇˡᵘʷⁱ
BINABASA MO ANG
Etc.
General FictionEach chapter is named to the persons who have experience different twists in life that caused pain, realization, and discovery of self worth.