Lisha

0 0 0
                                    

"Sugar boom?"

"Ano?! Nasaan na yung pinapabili ko?!"

"Dito na."

Binuksan ko ang pinto at kinuha sa kamay niya ang plastik bag na may mga lamang ibat ibang kulay ng napkin.

"Sinabi ko bang damihan mo?!"

"Boom, sorry." pilit niyang ngiti pero kontra sa paawa't malungkot niyang mga mata.

"Anong sorry?! Tumahimik ka at pinapahaba mo ang usapan, mas lalo akong naiinis sa'yo! Labas!"

Sinarado ko ang pinto ng aking cubicle. Nagsimula ako sa kinailangan kong gawin. May narinig akong pumasok dahil sa lakas ng yapak ng heels niya.

"Lisha, grabe ka naman kay JD. Ang sweet at maalagain tapos lagi mong pinagbubuntungan ng menstrual temper mo."

I roll my eyes. Sumandig ang kamay ko sa wal for support. I looked for a tissue in my bag. Narinig ko na naman ang opening ng lipstick ng kaklase ko at ang pag bubble pop niya ng kaniyang labi para maghalo ang lipstick ng lower lip to upper lip.

Mahilig siya magpaganda. Kahit may klase, gumagawa ng excuse para makadiretso ng CR at mag-ayos. Kaya siya rin ang unang tao na sobrang nakakakilala sa relationship namin ni JD. Lagi niya kaming naabutan sa ganitong sitwasyon.

"No offense ha? Pero si JD ang taga bili ng napkin mo kahit nakakahiya sa part niya bilang lalaki. Iniinis mo pa. Tapos pag wala ka ng red days, sobrang sweet mo naman sa kaniya at lagi kang nagpapalibre. Sa inyong dalawa, parang ikaw lang ang nagbebenefit."

It happened that whenever I dragged JD to the mall to treat me, she is also there shopping for make-ups and beauty products. Parang siya yung witness sa flaws ng relationship namin.

"Kung ganoon, bakit di mo ako isumbong sa kapatid niya? You are close with Karen kasi iisa lang kayo ng cheerleading squad. Go." Magsumbong siya. Wala akong pakialam.

She sighed. "Ayaw ko nga. Nakakasira ng ganda. Sayang sa oras, magagamit ko pa yun sa make up  youtube tutorials ko."

Ewan ko ba. Paranga hater at friends kami nitong babaeng 'to. Nilagay ko lahat ng kailangan sa bag at lumabas ng cubicle. Naglalagay siya ng contact lens. Sa harap niya ay nakapatong ang iba't ibang kulay nito.

"What color did you use?"

She blinked a lot of times at sinuri iyon sa salamin kung maayos ang pagkakalagay niya. Humarap siya sa'kin.

"Green. Is it pretty?"

"Pangit."

She shrugged and organized her contact lens collection. She closed the box and put it in her all around Dior carry bag. Naghugas ako ng kamay.

"Una na ako."

Tumungo siya palabas. Nahinto siya ng makitang naroroon ang lalaking kanina pa naghihintay sa akin.

"Take care of yourself, JD."

"Sorry, nakalimutan ko name mo."

"Classmate niya. Felice. Don't worry, wala akong balak ipagkalat kung gaano ka inu-under ng babaeng yan. Bye!"

Inalis ko ang tingin sa salamin. Hays, whatever.

"Sugar boom, ayos ka na ba dyan?" JD asked carefully, but with a lot of concern.

"Sandali nga lang!" irita ko.

When my menstrual days had finished, agad pumulupot ang mga kamay ko sa braso ni JD at malambing siyang tiningala.

"Bakit kaya minsan ang cute mo, minsan ang guwapo? Dahil siguro matangkad ka?"

He laughed and pinched my cheeks.

"What does my sugar boom likes?"

"Kahit ano lang basta libre mo." I smiled like a cat which he alwayd finds cute. Naagaw ko ang buong atensyon niya kapag ganon. Para siyang kukuryentehin at titig sa akin.

Umiling siya.
"Did you enchant me again?"

I laughed because it never fails to work.

"Huh? Wala akong magic noh!"

We went to the mall and had what we usually buy. Milk tea, chicken with spag, and pizza.

"Sorry JD, promise magdadala na talaga ako ng napkin next time!"

He leaned unto me. "Shhh, someone might hear. Ayaw kong mapahiya ka."

"Sorry."

"I told you many times to speak things only that will not put you to a state of embarassment, okay? Kung ako pa sana ang mapapahiya, ayos lang. Eh ikaw?"

"Wala namang nakarinig ihh."

"I am just concerned. Remember last year? Because of your honesty in words napahiya ka."

"Yes, I cry kapag napapahiya ako! Lagi akong honest at di muna iniisip ang sasabihin bago lumabas sa bibig ko! Promise di ko na uulitin!"

"That's why I have to check on you every second."

Sikreto akong pumasok sa isang theatrical agency. Plinano kong magkaroon ng mapag aaksayahan ng oras kesa palaging kasama si JD. Itong pinagkakaabalahan ko ang lalayo kay JD mula sa akin. Ang sinabi niya sa akin noong nakaraan ang tumatak sa isipan ko. I felt like a kid.

"Sugar boom, you said you want to see this concert--"

"JD, sorry may rehearsal kami ngayon eh. Why don't you watch it with Michael?"

Unang beses iyon ng pag-aaya niya. Hindi na muli nasundan. I guess he senses it through my voice. That I am pushing him away. That I am suggesting that we should be separated from each other.

It pained me.

Nagkikita kami sa school. When I'm with my group, nilalakasan ko ang boses ko when he's around so he will be secured. I know he wants to ask of how I am doing.

"The theater is doing great! We are finally launching it the third time in a bigger complex!" Halakhak ko sa mga kaibigan pero para iyon ay marinig niya.

Gusto kong marinig niya iyon at marealize niya na kaya kong mag-isa. Gusto kong makita niya na nagma-mature ako. I know he is there to be my other self. Pero ayaw ko na. He has a life too. Bakit ko yun ipagkakait para lang sa sarili kong kapakanan?

"Wuy ilang beses ko na kayong di nakikita na magkasama ni JD ah? Almost a year!" Singit ng kaklase ko sa oras ng tanghali habang kami ay kumakain sa cafeteria.

"Oh! I remember! Nakita ko siya noon na may kasamang babae sa concert ng Jonas Brothers!"

Wait, matagal na iyon. Akala ko si Michael ang sinama niya? Unang beses niya akong inaya at iyon na rin ang huli naming pag-uusap. Na para bang nagkaintindihan kami na 'tama na'.

Ang inakala ko nga ay ipupursue niya pa ako.

"Since that day, lagi ko silang nakakasalubong sa mall! Sila na siguro? Ang sweet nila sa YouTube channel nila eh!" Nang-uusisa siyang tumingin sa'kin.
"So break na nga kayo ni JD dahil kay Felice?"

Si Felice na mahilig mag make-up? This shocked me. Maraming pumapasok sa isipan ko.

"Stop it na, girl. You are hurting her." Warning sa kaniya ng isa kong classmate.

The two of them talked while I looked at the entrance of the cafeteria.

"Syempre masasaktan siya kasi boyfriend niya si JD! I just want to ask her kung sila pa!"

"Mag bestfriend lang sila ni JD! Since kinder, hello?"

"Ayy weh?! Eh lagi silang magkasama tapos ang sweet pa sa isa't isa!"

"Hindi porque sweet, mag-jowa na noh."

"Eh bakit siya mukhang nahurt kanina?"

"Hay naku, tanga." sabay hampas niya sa braso nito. She yelped in pain. Pero ako ang naiyak.

Siguro dahil mas malakas ang hampas ng katotohanan.

𓂉ᶜᵃᵇˡᵘʷⁱ

Etc.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon