SUGAT
Dedicated to Swe3tNColdNatatakot ako ngayon sa daang aking tatahakin.
Paano ko kaya maiwawaglit sa aking isip
Na hindi lahat sa akin ay may masamang hangarin?
Nangangapa na ako ngayon sa dilim.Kailangan ko ng ilaw!
Gusto ko rin ng sagot na malinaw,
Kung ano ako sa kanilang pananaw
Dahil ako ngayon ay tuluyan ng naligaw.Kahit pala gaano ka puro ang iyong intensyon,
Kahit pala gaano ka kabait kapwa mo?
At kahit pala maging totoo ka sa sarili mo
Ay may magtatapon parin ng dumi sa pangalan mo.Natatakot ako ngayon kasi hindi ko na kilala ang sarili ko.
Sa pangalang binigay sa akin na hindi ko alam kung totoo.
Kung iyon ba talaga ay ako?
Kahit sabi ng iba iyon ay huwag pakinggan ko.Binabagabag parin ako nito,
Ginugulo ang isipan ko
At pinapakirot ang puso ko.
Lubos akong nasasaktan sa punlang nakatarak ngayon sa aking pagkatao.Totoo kaya iyon?
Paano niya kaya nasabi ang pangalang iyon?
Gusto ko makatanggap ng matinong sagot
Nang ang sugat na natamo ay tuluyan ng maalis at maghilom.—Writer_Lhey✍️
BINABASA MO ANG
Isang Daang Patak Ng Tula (COMPLETED)
PoetryIto ay antolohiya ng mga tula na tungkol sa pagmamahal, pagkasawi, pagpapaubaya, pagpapalaya at paghilom. Ang bawat pagpatak ng luha ay may katumbas na isang tula. Nawa'y magustuhan at maantig ang puso niyo sa mga tulang ito. Magawa sanang mayakap a...