BATO NG KATOTOHANAN
Ang sakit ng katawan ko
Parang binato ng isang libong bato
Tagos sa buto ang iniinda ngayon ng aking puso
Pagkatapos mong sabihin ang katagang "wala naman talagang tayo"Para akong nabuhusan ng malamig na tubig na may yelo
Binalot ng lamig ang katawan ko sa matapos mong bigkasin ang mga katagang iyon
Wala nga lang ba talaga ang lahat ng iyon?Binilog mo lang ang puso ko
At ako'y nahulog sa iyong patibong
Paano ako aahon gayong lugmok na lugmok ako
Puro galos at sugat ang natapo koAng hirap tumayo
Ang sakit ng katawan ko
Sana sinaksak mo nalang ng paulit-ulit ako
Katumbas kasi nun an katotohanang sinabi moNaturingang matalino pero bakit pagdating sayo ako ay bobo
Naniwala sa mga matatamis na salita mo
O sadiyang ikaw lang talagaay gago
Naging marupok sa konting pagkibo moWalang totoo sa mga sinabi mo
Pangakong binitawan at napako
Nagpadala sa iyong nga pakulo
Kahit simula palang wala naman talagang tayo
BINABASA MO ANG
Isang Daang Patak Ng Tula (COMPLETED)
PoetryIto ay antolohiya ng mga tula na tungkol sa pagmamahal, pagkasawi, pagpapaubaya, pagpapalaya at paghilom. Ang bawat pagpatak ng luha ay may katumbas na isang tula. Nawa'y magustuhan at maantig ang puso niyo sa mga tulang ito. Magawa sanang mayakap a...