BALIKAT ANG KAILANGAN
Madaling magsabi na hindi masakit
Dahil hindi ikaw ang naiipit
Mahirap iwaglit sa aking isip
Kung patuloy na namimilipit sa hapdiHindi ko malaman kung masyado bang madamdamin
O masiyadong sineseryoso ang inyong mga sinasabi
Huwag mong diktahan ang mga dapat kong gawin
Sarili ko'y hindi rin kayang pigilinPuwede mong samahan nang hindi dinidiktahan
Maaring pakinggan na walang halong panunumbat
Tumabi lamang at samahan ako sa aking kalungkutan
Dahil nangangailan ng masasandalan.
BINABASA MO ANG
Isang Daang Patak Ng Tula (COMPLETED)
PoetryIto ay antolohiya ng mga tula na tungkol sa pagmamahal, pagkasawi, pagpapaubaya, pagpapalaya at paghilom. Ang bawat pagpatak ng luha ay may katumbas na isang tula. Nawa'y magustuhan at maantig ang puso niyo sa mga tulang ito. Magawa sanang mayakap a...