PAGOD
Bakit kailangan kong masaktan ng ganito?
Pag-ibig lang naman ang nais ko
Hindi ko naman dapat maramdaman ito
Kasi kapayapaan at saya ang dala ng pag-ibig hindi lungkot.Mas matamis pa ito sa kending tigpipiso sa kanto
Masarap sa pakiramdam at magaan sa loob ang dulot nito
Pero bakit ganito kabigat sa dibdib at gulo ng isipan ko
Hindi ba dapat masaya at walang negatibo?Minahal kita ng buo
Walang bahid ng pag-aalinlangan dahil naging sigurado
Hindi rin ako payaso para magbiro
Pero bakit nakakapagod?Ikaw dapat ang tahanan ko tuwing ang isip ko ay binabagyo
Ikaw dapat ang kanlungan ko sa masamang mundong ito
Ikaw dapat ang nagpapatahan sa akin at pumapahid ng luha ko
Hindi ang dahilan ng pagkawasak ng aking pagkatao.Dahil sa pagmamahal ko sa'yo
Hindi ko na kilala ang sarili ko
Ako ay naubos
At napagod ng husto.
BINABASA MO ANG
Isang Daang Patak Ng Tula (COMPLETED)
PoetryIto ay antolohiya ng mga tula na tungkol sa pagmamahal, pagkasawi, pagpapaubaya, pagpapalaya at paghilom. Ang bawat pagpatak ng luha ay may katumbas na isang tula. Nawa'y magustuhan at maantig ang puso niyo sa mga tulang ito. Magawa sanang mayakap a...