PAKSA
Dedicated to marievasaylajeSiya na naman ang paksa ng ating usapan.
Siya sa mga kwento, tula at kantang iyong nilikha.
Siya na dati sa iyo ay nagpapasaya
Pero wumasak sa iyo ng hindi mo inaasahan.Napakaswerte niya kasi minahal siya ng katulad mo.
Sinayang nga lang niya at hindi nakita ang halaga mo.
Napakaswerte niya sa'yo, iyon nga lang hindi niya mapantayan ang pagmamahal mo.
Sa totoo lang, kaya ko iyong lagpasan ngunit hindi pwede dahil malabo.Magkaibigan tayo,
May pagitan ang ikaw at ako,
Linyang hindi pwedeng lakbayin ko
Sapagkat kapag ginawa ko ay pagtalikod mo ang aasahan ko.Mananatili ako dito sa aking pwesto,
Nakatingin sa iyo na sa kaniya parin ang tungo.
Nasa likod mo lang ako,
Bakit hindi mo subukang lumingon?At nang makita mo ang taong tunay na nakakakita ng halaga mo.
Ang taong nag-aabang sa mga katha mo
At umaasa na balang-araw magiging paksa ng susunod
Mong mga obra na ibabahagi mo sa mundo.—Writer_Lhey
BINABASA MO ANG
Isang Daang Patak Ng Tula (COMPLETED)
PoesiaIto ay antolohiya ng mga tula na tungkol sa pagmamahal, pagkasawi, pagpapaubaya, pagpapalaya at paghilom. Ang bawat pagpatak ng luha ay may katumbas na isang tula. Nawa'y magustuhan at maantig ang puso niyo sa mga tulang ito. Magawa sanang mayakap a...