Pang-isang Daang Patak ng Tula

25 0 0
                                    

TAPOS NA

Iniisip ko pa lang ang tapusin ito ay hindi ko magawa
Sapagkat nag-uunahan na naman sa pagtulo ang mga luha.
Hindi sapat ang isang daang tula upang mapawi lahat ng sakit na dinadala
Kahit abutin pa siguro ako ng isang libo hindi pa rin ito mawawala.

Kasing hirap ang bilis ng iyong pagtapos sa ating pagsasama
Hindi ka nagdalawang isip habang ito ako ngayon ay gulong-gulo pa
Hindi mapantayan ang bilis ng pagbigkas mo ng paalam
Ang paglapat ko ng mga salita upang tapusin itong ika-sandaang tula.

Isang daan na ang mga tula pero kasing bigat pa rin ng unang tulang sinulat
Ang sakit at pighating iyong iniwan kasama ang mga alaalang binabalik-balikan.
Ang bilis, isang taon rin pala akong nagsulat
Nagawa kong umabot sa ikasandaang tula na ikaw lang ang paksa.

Noong sinimulan ko ito, panata ko ay maghihilom na ang mga sugat,
Magagawa ko nang pahiran ang mga luha sa bawat tulang napagtutugma,
Mayayakap ang bawat piraso ng aking pusong pinagtatapi ko na lamang,
Mabubuo ang sariling nawasak nang pinili mong lumisan.

Hindi ko ito natupad pero may isa itong paalalang bunga;
Nagawa kong maging matapang sa mga panahong akala ko hindi ko kaya,
Nagawa kong magpatuloy habang sinusulat ang isang daang mga tula
At panata ko ngayon ay hindi na muling luluha pa.

Titingala sa kalangitan sabay bigkas nang "tapos na".
Ang katapusan ay hindi ang dulo kundi ang simula,
Bagong pag-asa ang pagtatapos ng ating kabanata.
Hindi man sapat ang maraming tula pero nagawa kong tumayo dahil sa kanila.

Isang Daang Patak Ng Tula (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon