Pangwalumpu't Isang Patak

9 3 1
                                    

SANA HINDI NALANG SINIMULAN

Nais ko ng katahimikan.
Pakiusap ako ay pakinggan.
Hindi ba't sabi mo ay hindi ka magiging katulad ng nauna?
Hindi mo ako sasaktan kagaya ng ginawa niya?

Tanga ba ang taong nagmahal?
O mas tanga ang minahal pero piniling mang-iwan?
Magaling lang sa umpisa, magaling lang sa salita.
Ganiyan ka, ganiyan siya, ganiyan ang karamihan.

Hindi mo nalang dapat sinimulan kung hindi pangwalang-hanggan,
Hindi ka nalang dapat nanumpa kung ito ay pansamantala.
Hindi nalang sana ako naniwala pa sa iyong mga salitang puro pambobola lang,
Hindi sana napagsamantalahan ang aking karupukan.

Paano pa ba ako magmamahal kung katulad lang ng nakaraan ang kahihinatnan?
Paano pa ako magtitiwala kung nagawa mong patunayan
Ang katagang, "sauna lang talaga masaya"?
Bakit mo nga ba sinimulan hindi mo naman pala kayang panindigan?
Bakit ka nagbigay ng motibo kung sa huli ako pa rin ang bigo?

Ang daming katanungang hindi mo mabigyan ng sagot
Kagaya ng nagmahal lang naman ako, bakit ako pa rin ang talo?
Tagumpay ba ang makawasak ng puso?
Kasi kung ganun, ikaw na ang kampiyon.

Itataas ko na ang puting bandila hudyat ng aking pagsuko
Dahil kung ang pag-ibig ay isang laro o pagsubok,
Talo ako, palaging pang dehado.
Saludo ako sa'yo pero piliin mo na sana ang magbago.

Isang Daang Patak Ng Tula (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon