TULANG HINDI TUGMA
Dedicated to Swe3tNColdMay mga tulang hindi tugma
Isa na riyan ang ikaw at ako
Hindi pwedeng parehas na nasa dulo
Dahil magkaiba ang tunog nating dalawaTayo'y awiting hindi magka-tono
Kahit ang kwerdas man ay perpekto
Hindi maaaring pagsamahin
Dahil hindi maganda ang mabubuong himig natinPilitin mang ayusin ang kumpas
At magawang maayos ang sukat
Ang pagsusumikap ko ay walang saysay
Dahil sa tula pa lamang tayo ay hindi na tugma
BINABASA MO ANG
Isang Daang Patak Ng Tula (COMPLETED)
PoesíaIto ay antolohiya ng mga tula na tungkol sa pagmamahal, pagkasawi, pagpapaubaya, pagpapalaya at paghilom. Ang bawat pagpatak ng luha ay may katumbas na isang tula. Nawa'y magustuhan at maantig ang puso niyo sa mga tulang ito. Magawa sanang mayakap a...