32. Full of Charms

6.3K 203 11
                                    

Kathryn's POV

Nakayuko ako habang sinesermonan ako ni Julia.

"Ano ka ba naman Kathryn Chandria? Gawain ba ng babae na manapak ng lalaki? Can you please act like a girl Kath. May boyfriend ka na." Sabi niya habang naka crossed arm pa sa harap ko.

"Dont be offended bes ha." Sabi niya tumango ako. "Kaya ka iniwan ni Albie dahil ang rough ng personality mo. Nasaan na ung Kathryn Chandria na Full of Charms. Nasaan na si Kath na kikay?" Sabi niya. Oo nga. Paano kung magkagusto si Dj kay Cheska dahil girly siya masyado. Dati rin naman akong ganun eh.

"You need a makeover bes." Sabi niya napangiwi ako. Anong makeover? Di naman ako nerd para gawin pa yun. Maganda na ako.

"Alam kong iniisip mo na maganda ka na. Pero ung mga kilos mo. Tsaka may igaganda ka pa." Sabi niya tapos nag wink pa sa akin. Mukhang di ko magugustuhan ang gagawin ng bestfriend ko. Napabuntong hininga na lang ako.

Maganda na ako. Mas maganda ako kay Cheska. Pero mas kikay siya. Eh ano naman?

"Natatalo ng malandi ang maganda." Nakangising sabi ni Bes sa akin. Alam niyo parang si Julia ata ung kakambal ko eh. Alam niya kasi ung nasa isip ko.

"Fine." Sabi ko agad niya akong yinakap. Gagawin nanaman akong barbie doll ng babaeng toh. Gaya ng ginawa niya nung nasa 6th grade kami. Kinikilabutan ako kapag naaalala ko yun.

-FLASHBACK-

"Bes." Lumapit si Julia sa akin ng umiiyak. "Oh? Anong nangyari sayo?" Alala kong tanong.

"Nasira ung life sized barbie doll ko." Sabi niya napa face palm ako. Kasing laki lang siya ng isang grade schooler. Ung tinutukoy ko eh ung doll niya.

"Anong gagawin ko?" Nakangiwi kong tanong ngumiti siya sa akin ng nakakaloko. Pasalamat ang babaeng toh mahal ko siya.

-

"Waaaa! Ang ganda mo Bes. I'll call you Chandria." Nakangiti niyang sabi. Humarap ako sa salamin. Napangiwi ako dahil sa itsura ko. Naka Loli clothes ako na pink with matching umbrella na pink pa. Gusto kong masuka. Dahil di talaga ako mahilig sa pink. Gusto ko Yellow!

"Tara na bes malalate na tayo." Sabi niya tapos hinila pa ako. Tamad na sumunod na lang ako sa kanya.

Nakarating kami sa school ng ang daming nakatingin sa amin.

"Wow. She's pretty."

"Mukha siyang barbie doll."

"Baka life sized doll."

Lalo akong napangiwi sa mga usapan nung mga classmates and schoolmates namin. And araw araw iba iba ang damit ko. Para niya talaga akong ginawang doll.

Minsan pang hip hop. Minsan Princess. Kainis. Minsan may fairy pa na may kasamang pakpak. Nagtataka na nga rin ung teacher namin pero nacucutan din siya.

-END OF FLASHBACK-

Nagtaasan ung mga balahibo ko dahil doon. Ayaw ko ng mangyari ulit yun. No way! Kahit di na ako magustuhan ni Kris kong minamahal. Hahaha! Exo stan ako eh bakit ba. Pero di nga ayaw ko na ulit mangyari yun.

Ang tanda ko na kaya. Baka pagkamalan akong baliw kapag nagsuot pa ako ng mga ganun na damit. Kasalanan toh nila Kuya. Kung di lang nila ako sinanay na magdamit ng panglalaki eh di sana babaeng babae ako kumilos ngayon!

Mukhang di pa ata ako makakatulog ngayon. Baka bangungutin ako dahil doon sa naalala ko. Wag naman po sana.

-

"Tara dali." Hinila ako ni Bes sa isang salon. Magpagupit daw ako ng buhok dahil mahaba na ung buhok ko. Dahil wala na akong pakialam, hinayaan ko na lang siyang gawin ung gusto niya. Kasi kapag pumalag pa ako eh baka sermunan nanaman niya ako. Daig pa nito si mommy kung dumada eh. Machine Gun eh. Ayun na inayos na nung bakla ung maganda kong buhok.

Parking 5 & ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon