Chapter 26: Happy Together.. :)

7.7K 197 22
                                    

Kath's POV

One week na rin pala ang lumipas, simula nung sinagot ko si Deejay. And super sweet and caring niya sa akin. Nakakakilig lang. >.<

"Reyna ko." Napalingon ako sa nagsalita. Si Deejay pala.

"Hmm?" Tanong ko. Alam niyo ang dami niyang tawag sa akin. Moo (My only one), Reyna ko, Prinsesa, Pretty Angel, Doll Face. Ang kulit lang.

"Pasyal tayo." Pagyayaya niya.

"Sama natin ang P5 ha." Nakangiti kong sabi.

"Sige. Kung yan ang gusto ng Reyna ko." Nag bow pa siya.

"Thank you. My King." Nakangiti kong sabi. Tinawagan niya agad ang P5 kaso may gagawin daw sila eh. Tinawagan ko na lang si Jed at okay lang daw sa kanya. Tinawagan naman ni Dj si Raven. At syempre sasama yun para guluhin kami. Hinintay namin sila dito sa park.

Sumakay na agad kami sa kotse ni Dj. Sa Enchanted Kingdom kami pupunta. Nasa passenger's seat sila Jed. Tinignan ko sila and si Raven umirap sa akin tapos si Jed naman ay ngumiti na lang. Ang taray ng babaeng toh. Kapag ako nag taray nakuuu!!

-

"So guys saan niyo gustong mag umpisa?" Tanong ni Deejay..

"Ano dapat pairing na lang." Nakangising sabi ni Raven. Alam ko na ang pinaplano mo bitch!

"Tama." Nag agree si Jed! "Pair tayo Raven. Sige mag kita na lang tayo dito." Sabi ni Jed tapos hinila na si Raven palayo.

"So Pretty Angel saan tayo magsisimula?" Tanong ulit ni Deejay.

"Malay ko." Nakangiti kong sagot. Tumingin tingin ako sa paligid.

"Sa roller coaster na lang muna." Nakangiti Kong sabi.

"Masusunod aking Reyna." Sabi niya tapos sumaludo pa. Pinagtitinginan Tuloy kami nung mga tao.

"Sira." Sabi ko na lang.

"Awww. Ang cute nila."

"Sana may ganyan pang lalaki na naghihintay sa akin."

"Bagay na bagay sila noh."

"Agree. Maganda si ate and Gwapo si kuya. Match made by heaven."

Natuwa ako doon sa mga bulong bulungan nung mga middle schoolers.

"Sabi Sayo eh. Bagay na bagay tayo." Bulong sa akin ni Deejay na sobrang nagpapula sa mukha ko.

"Yieee. Kinilig ka naman." Pangaasar niya.

"Hindi kaya." Sabi ko.

"Weh? Bakit namumula pisngi mo?" Pangaasar niyang tanong.

"R-Rosy Cheeks lang talaga ako." Nauutal Kong sabi.

Ngumiti na lang siya. Ung ngiting nangaasar. Dumeretso na lang kami doon sa roller coaster.

-

Pagkatapos namin sa roller coaster marami pa kaming sinakyan na rides. Too many to mention eh. Pumunta Muna ako sa restroom.

Lumabas din agad ako. Pero nakita ko si DJ may kausap na Babae. Bumalik agad ako sa loob ng restroom. "Chandria wag ka ngang mag selos. Parang kausap lang eh." Sabi ko sa sarili ko. Inayos ko ang sarili ko bago lumabas. *Sigh* bakit ba ako kinakabahan?

Parking 5 & ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon