Chapter 21: Misunderstanding (Part 1)

6.6K 164 10
                                    

A/N: Bahala kayo! Ayaw niyong mag comment. Pero syempre itutuloy ko pa rin toh. Basta kapag tapos na ang sembreak di ko alam kung makakapag update pa ako. Nasa inyo ang desisyon. Kung gusto niyo pang ituloy ko toh. Then comment below. Enjoy reading 😋

Kath's POV

I cant!! Simula nung nagkasagutan kami ni Daniel ay di na muna ako pumasok. Nawalan ako ng gana eh. Bigti na ba?

*Knock Knock*

"Chandria may bisita ka." Sino nanaman ba yan?!

"Opo." Sabi ko. Tapos pumasok na ung sinabing bwisita ni Yaya. Si Red pala.

"Chandy are you okay?" Alala niyang tanong.

"Im more than okay Red. Im Good." Sabi ko.

"Liar." Sabi niya. Humiga na lang ako sa kama ko.

"Chandy listen to him." Sabi niya pa.

"Paanong listen to him eh di manlang siya nag t-text. Wala man lang sorry. What the hell!!!" I said with frustration on my face. Ito ang gusto niya? Fine basted na siya! Hindi naman yun mahalaga dahil nga ginamit niya lang ako.

"Chandy. Eh ako pwede ba akong manligaw?" Seryosong tanong ni Red na nagpanga nga sa akin. What?!!

"Just kidding." Sabi niya. Pero mukha talaga siyang seryoso kanina. Or maybe not? Tss. 😒

"Tara mall tayo Chandy." Sabi niya.

"Nah. I dont wanna." Bored kong sagot. Tinatamad ako eh.

"Hindi ka na nga pumapasok. Paano kapag nalaman toh ni Tita Min?" Sabi niya na nagpagulat sa akin! Teka minention ko ba sa kanya dati ung name ni mommy? Hindi ko naman sinabi sa kanya yun ah. I gave him a confuse stare.

"What?" Taka niyang tanong. Pero tinitigan ko pa rin siya.

"Red tell me the truth. Kapatid ba kita? Anak ka ba ni Daddy sa labas?" Sunod sunod kong tanong.

"What? Hahaha!" Tawa lang siya ng tawa. Baliw?

"Baliw ka?" Tanong ko.

"Im your bestfriend." Sabi niya na nagpabilis ng tibok ng puso ko, what the hell!! May sakit na ba ako sa puso? Okay wag O.A kath sakit agad sa puso? Di ba pwedeng nabigla lang?

"How come na hindi kita maalala?" Nagkibit balikat na lang siya sa tanong ko. Mag isip kang mabuti Kathryn. Pero wala talaga eh. Di ko talaga siya maalala. Bakit si Julia naaalala niya si Red pero ako hindi. Baka naman nag ka amnesia ako dati? Napaisip ako bigla. Hindi naman siguro. Pero wala talaga akong matandaan na Red dati eh. Wala naman akong naging kaibigan na Red ung Pangalan. Arggggg!!!

"Pasyal na lang tayo Kath." Sabi niya. Tumango na lang ako kawawa naman eh.

"Bihis lang ako." Tapos lumabas na siya ng kwarto. Nagbihis na rin ako.

"Saan naman tayo pupunta?" Bagot kong tanong.

"Secret." Sabi niya. Eh sa park lang naman kami pumunta. May sayad din ata tong si Red eh.

"Anong gagawin natin dito?" Tanong ko tapos binigay niya naman sa akin ung ice cream na binili niya doon sa ice cream shop. Basta! Tinatamad akong mag explain. Gets? Slow kapag hindi. Kinain ko naman ung binigay niyang ice cream.

"Magbati na kaya kayo ni Deejay?" Sabi niya. Di ko siya sinagot at ipinagpatuloy ung pagkain samice cream ko. Tss mag sorry muna siya sa akin, at pwede pa ulit kaming maging mag kaibigan. Aminin niya muna na ginamit niya lang ako. Papatawarin ko naman siya eh. Bigla namang tumunog ung phone ko. May nag text.

From: Dj.

Kath please lets talk

Tss.

"Kausapin mo siya." Sabi ni Red. Fine. Nandito daw siya sa park. Kaya pinuntahan ko siya.

"Kath. Im sorry. Sorry dahil sa ginawa ko sayo." Siguro ung tungkol doon sa pag gamit niya sa akin.

"Okay lang. Pwede pa rin naman tayong maging mag kaibigan diba." Sabi ko.

"W-What? B-Binabasted mo na ako?" Malamang gamitin ba naman ako. Tumango ako.

"W-Why? Dahil ba sinabihan kita ng malandi? Kath I'm sorry. I really do. Kaya Kath wala namang ganyanan." Sabi niya ng parang naiiyak na. Bakit kailangan mo pang mag kunwari? Bakit?

"Narinig ko ung usapan niyo. Narinig ko na ginamit mo lang akong panakip butas. Pero mahal mo pa rin si Raven. Kaya okay lang sa akin. Let's be friends na lang." Sabi ko tapos umalis na. Naiyak nanaman ako. Bakit lagi na lang ganito! Mahina ako! Hindi ko man lang kayang pigilan ung luha ko. Ginusto ko toh! Tapos iiyak iyak ako! Eh baliw talaga ako! Akala ko siya na talaga. Buti na lang hindi kami. Kung hindi sobra sobrang sakit ung mararamdaman ko ngayon.

To be Continue

A/N: Hala? Ito na ba ang Ending ng love story nila? Hindi pa nga sila eh! Ang sama ni Author. Pabitin effect muna tayo. Sorry maikli lang toh. Part 1 pa lang kasi ito ng chapter na ito. Gets? Slow kapag hindi. Vote and Comment kapag walang nag comment hindi ko ipupublish ung part 2 ng chapter na toh. Bahala kayo. Charot. Basta comment. 😊😉

Parking 5 & ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon