A/N: sorry sa TYPOS! -_- hindi na edit. Maraming mali. Pagpasensyahan niyo na. Tsaka kung pupunain niyo lang ay lumayas na agad kayo. Di ko kailangan ang mga pagpuna niyo sa flaws ko. Yun lang enjoy reading :) and may pahabol pa pala. dedicated to sayo. salamat sa pagpapalakas ng loob ko. and kung sino man ang gusto pang mag request ng dedication feel free to comment below.
Kath's POV
Papunta na ako sa kwarto ni Dj dito sa ospital. Naaksidente siya, remember? Este niligtas niya ako kaya yun nangyari sa kanya. Pagkapasok na pagkapasok ko sa kwarto niya ay nakita ko ang ngiting ngiting mukha ng isang Daniel John Padilla.
"Oh? Bakit ngiting ngiti ka?" Taka kong tanong sa kanya saka nilapag ungbasket na dala ko doon sa table.
"Wala lang. Nakita ko na kasi ung Queen ko kaya feeling ko ang lakas lakas ko na." Sabi niya sabay wink pa sa akin.
"Aishh. Mag-pagaling ka na lang." Sabi ko ng umiiling iling. Pero sa totoo lang ay sobra akong kinikilig sa pinag-gagawa niya.
"Kath." Pagtawag niya sa akin.
"Ano?" Tanong ko pero di ako lumingon sa kanya dahil busy ako sa pag-aayos nung mga fruits na dala ko.
"Kaya mo ba akong murahin?" Tanong niya sasagot na sana ako ng hindi pero di niya ako pinatapos.
"Kasi kung hindi mahalin mo na lang ako." Sabi niya na sobrang nagpabilis sa pagtibok ng puso ko, kahit ganun ay di ko yun pinahalata. At Nagkunwari na busy pa rin kahit mukha na akong tanga sa pinaggagawa ko.
"Eto pa. Ang pag-ibig ko sayo parang sermon ng nanay ko." Sabi niya. Ahhh. Kinikilig na talaga ako.
"Bakit naman?" Tanong ko di ko pinapakita sa kanya na ngiting ngiti na rin ako. Baka kasi asarin niya ako eh.
"Walang katapusan." At ayun. Di ko na kaya, lumingon ako sa kanya saka ngumiti. Baka kasi sumabog ako sa sobrang kakiligan dito.
"Last na to. Mahiligka ba sa asukal?" Tanong niya nakangiti akong umiling.
"Ang tamis kasi ng ngiti mo." Sagot niya. Lalong lumapad ung mga ngiti ko. Lumapit ako sa kanya.
"Anong nakain mo ha." Tanong ko sa kanya. Biglang nawal ung ngiti sa labi niya na pinagtaka ko.
"Baka kasi napapagod ka na. Ilang araw na rin ako dito. Tapos baka magsawa ka na sa akin. Kaya ginagawa ko ang lahat para mapasaya ka." Nakayuko niyang sabi. Feeling ko tuloy ako ung lalaki sa aming dalawa eh.
"Ano ka ba. Never akong magsasawa sayo. Mahal na mahal kaya kita." Sabi ko nagulat ako ng bigla niya akong yakapin. Sobrang higpit nun. Saka ko naramdamang may basa na ung balikat ko.
"Huy, umiiyak ka? Para ka namang ewan niyan. Di ka pa mamamatay." Natatawa kong sabi. Humiwalay na siya sa yakap. Saka tumingin sa mga mata ko.
"Ipangako mo na di ka magsasawa sa akin Queen." Sabi niya. Tumango ako.
"Pinapangako ko na di ako magsasawang umunawa sayo King." Sagot ko hinawakan niya ung magkabila kong pisngi napapikit ako, tapos hinalikan niya na ako............... Sa noo.
"Mahilig ka ba sa basketball?" Bigla niyang tanong. Saan nanaman kaya to pupunta?
"Medyo." Sagot ko.
"Anong paborito mong team sa NBA?" Tanong niya nanaman.
"Miami Heat." Sagot ko nanaman sa kanya.
"Spurs sa akin eh." Sabi niya napataas ako ng kilay ko.
"Bakit Spurs?" Okay tungkol na sa basketball ung usapan namin. Galing no?
"Kasi na love at SPURS-sight ako sayo eh." Ayon. Sabi na nga ba eh. Instant curve talaga ang isang to eh.
BINABASA MO ANG
Parking 5 & I
RomanceREAD AT YOUR OWN RISK. Super lame nito dahil grade 6 pa ako nung sinimulan ko to :) NOTE: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used i...