Chapter 29: My Everything

7.1K 168 6
                                    

Kath's POV

Malapit ng matapos ang sem break. Nandito pa rin kami sa batangas sa next next day pa kami babalik. One week kami dito diba.

"Swimming tayo guys!" Masayang sigaw ni Lester.

"Kailangan sumigaw?" Inis na tanong ni Jc. Bad trip ata.

"Sungit." Bulong ni Lester na ako lang ata ang nakarinig.

"Sige magpapalit lang kami." Sabi ni Julia tapos hinila niya na ako pabalik sa kwarto namin. Agad nag bihis si Julia.

"Excited much?" Bored kong tanong.

"Ano ka ba! Magbihis ka na nga! Last na natin toh. May pasok nanaman sa susunod." And after that nagbihis na lang din ako. Yellow one piece ang suot ko. Sa kanya naman Purple Two piece. Conservative kasi ako. Ayaw ko ng masyadong pa sexy. Nakakailang lang. Nagsuot pa ako ng shorts.

"Ano tagong tago teh?" Tanong ni Bes.

"Gaga!! Siraulo ka talaga noh." Natatawa Kong sabi.

Lumabas na kami, dumeretso kami doon sa cottage.

"Wow!" Nakanga nga ung mga boys. Parang mga baliw.

Biglang ipinatong sa akin ni DJ ung robe niya.

"Ow. Possessive boyfriend." Pangaasar ni Katsumi. Napaangat ako ng tingin Kay DJ and nag b-Blush siya. Napangiti na lang ako.

"Tara swimming na tayo!" Sigaw ni Julia. Baliw talaga.

Nagsipuntahan na sila sa pool. Habang ako nanatili lang sa cottage. Okay may aaminin na ako sa inyo. I can't swim. "Eh bakit ka pa nag swim suit?" Biglang sabi nung boses sa utak KO. Aishhh!! Shattap!!

"Kath! Halika na!" Sigaw ni Lester. Napatingin ako kila Julia, Quen, Diego, and Jed. Sila lang ang nakakaalam na di ako marunong lumangoy. I Gave them a panic look.

"A-Ano mamaya na lang natin yayain si Bes." Sabi ni Julia kaya nakahinga ako ng maluwang. Hindi na nila ako pinansin at pinatuloy ang paglalaro.

"Okay ka lang ba talaga Kath? Pwede naman kitang samahan dito." Nakangiting sabi ni Quen.

"Hindi okay lang talaga ako. Don't mind me, just enjoy yourself ." sabi KO tapos nginitian KO na lang siya. Bumalik na siya sa pool. Napabuntong hininga na lang ako. Marunong naman talaga akong lumangoy eh. Pero matagal na yun. Ng maaksidente si Katelyn natakot na ako. Si Katelyn ang kakambal ko. Yup may kakambal ako. She died because of me. She's older than me. Napahamak siya dahil niligtas niya ako. Kapag napupunta ako sa pool or dagat hindi ako makahinga. Na trauma na ako doon.

"So you can't swim huh." Nagulat ako sa nagsalita.

"Ayaw KO lang mag swimming." Sabi KO saka KO iniwas ang tingin Kay Raven. Nagutom bigla sila kaya umahon muna sila.

"Ako na lang ang kukuha ng foods ." sabi KO para makaiwas lang Kay Raven. Naglakad na ako Pero biglang may tumulak sa akin papunta sa pool.

"Oops. Sorry!" Natatawang sabi ni Raven. Oh No! Help!! I'm falling!!

*SPLASH*

"Ayaw mo palang mag swimming ha." Naka smirk na sabi ni Raven.

"Kath!!!" Sigaw ni Julia.

"T-Tulong!" Then everything went black.

DJ's POV

"KATH!!" Nagulat ako sa sigaw ni Julia.

"She can't swim!" Sigaw pa nito. Nag panic ako bigla kaya agad akong tumalon sa pool. Kath! Agad KO siyang inahon. CPR!! Wala akong choice ginawa KO na lang.

Parking 5 & ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon