🌈Freshmen day🌈🦋🦋🦋

1.1K 7 0
                                    

~Milo~

'Ang daming namang lalaki sa school na ito'

Natawa ako sa sinabi kong iyon. Malamang na madaming tao dito dahil exclusive lang naman ang school na ito para sa mga lalaki.

Wala silang klase ngayon dahil may program daw ang school para sa mga freshman. Pinagmasdan ko kapaligiran.

It seems na parang abala ang lahat nang estudyante,mula sa senior at mga baguhan.

Ang iba nagiikot para makita ang mga posibleng club na sasalihan.

Yung iba naman abala sa paghahanap nang mga bagong marerecruite na miyembro.

'Hi? Good morning My name is Kean, baka gusto mong sumali sa FILMO, kami yung mga naasign para sa pag fifilm sa school. If you want pwede ka mag sign up sa application namin'

Napangiti ako kay Kean. Gwapo siya at nasisigurado kong artistahin talaga ito.

'Yeah sure-'

'Hoy Kean! Samin kasali ang batang yan.' Parehas kaming napalingon sa nagsalitang iyon ni Kean.

Huh?

Anong pinagsasabi nitong si River?

'Totoo bang sumali ka sa group nila?'

'Ha? Eh wala naman akong natatandaan na may sinalihan ako eh.'

' May potential ka kasi sa grupo namin, nakitaan kita nun kaya gusto kong sa grupo ka sumama'

'W-wait ako isasali niyo? Sigurado ka eh mas malambot pako sa gelatin.'

Naiirita na ako sa lalaking ito.

'Walang gender pagdating sa mga ganito,matutunan mo naman lahat dun. Dapat kang matutong magbasketball' pagpupumilit na sabi sa akin ni River.

Ano bang problemna nang isang to ?

Sa kwarto naman kanina hindi siya ganito makipag usap sa akin.

Nakakapagtaka lang.

' Alam kona! Kung ginagawa molang to para mapahiya ako sa buong campus nagkakamali ka Mr. MARIANO' matigas na sabi ko sa kaniya.

' Tsaka sino kaba? Para pumili nang dapat kong salihan na grupo. Porket ganito ako gaganyanin niyo na ako? Pwes nagkakamali ka kasi kung inaakala mo na mapapahiya moko maling mali ka sa bagay na iyon dahil kaya kong ipagtanggol ang sarili ko. At may sarili akong desisiyon at ang gusto kong salihan na club ay sa FILMO.'

Nakita ko ang pagtigas nang bagang ni River.

Alam kong nainsulto ko siya sa sinabi kong iyon.

Pero naging totoo lang naman ako.

Ayokong kayan kayanin lang ako nang mga tao rito.

Nabully na ako dati at hinding hindi ako papayag na maulit ang bagay na iyon.

Ilang minuto ang lumipas at saka ako tinalikuran ni River.

'Strong Personality.Good! Tama ang ginawa mong pagtatangol sa sarili mo' maya maya ay sabi ni Kean na nuon pala ay nakatingin at namangha din sa ginawa kong pagsagot kay River.

' Masasanay kasi silamg kayan kayanin ako kapag hindi ko ginawa yun. Kailangan kong ipakita sa kanila na malakas ako at kaya kong ipagtanggol ang sarili ko.'

'By the way, welcome to the club. I like you at gusto kitang mas makilala pa'

Nagulat ako sa sinabing iyon ni Kean.

Wala na akong interview.
Wala nading Auditon
Diretsong pasok ako sa club.

At iyon ay labis kong ikinasaya.

RoommatesWhere stories live. Discover now