"Welcome Dear Ramonians "- University President of
Ramon Boys town University.Napa-ngiwi ang feeling dalaga na si Milo nang mabasa ang pambungad na bating iyon ng university na pinag enroll-an niya.
How can it be?
Paano siya napapayag nang kaniyang magulang na duon pumasok.Knowing him na sobrang lamya at medyo may kaartehan ang pagkatao.
Unlike other boys hindi talaga siya yung tipo na astig or yung kayang maghamon nang suntukan.
He is a gay.
Pero hindi siya yung gay na nagdadamit pambabae. Siya ang tipo nang gay na tahimik pero classy padin pagdating sa ilang mga bagay. Mayroon siyang style at taste sa mga sinusuot na damit.
Hindi na niya alam kung nasaang bahagi siya nang university na iyon. Hinahanap niya ang dorm niya,Bitbit ang ilang mga bagahe ay nagpatuloy siya sa paglalakad.
Napapagod na ang kaniyang mga kamay dahil sa bigat nang bagahe na dala-dala niya. Hindi siya sanay magbuhat nang ganoon kadaming gamit.
Hindi matake nang kaniyang beauty ang paghila at patuloy na pagbubuhat nang maletang mabigat na hanggang sa makarating ata siya sa dormitory niya ay buhat buhat niya ang gamit, sa kabilang banda ay sinisisi niya ang guard na hindi manlang nag-abalang tulungan siyang dalhin at buhatin ang gamit niya. Itinuro lang nito ang dorm niya at pagkatapos nuon ay wala na.
Door 34
Nang mahagip na ng kaniyang paningin ang hinahanap na numero nang pintuan na magiging kwarto niya ay sandali siyang tumigil at pinagmasdan ang pintuan. Kinapa ang Susi sa bulsa at akmang isusuot niya iyon sa doorknob ay saka naman ito nagbukas.
Natulala siya sa lalaking lumabas roon.
Ito ba ang roommate niya?
Jeez.! HE IS SO DAMN HANDSOME!!!
pumalak pak nang bahagya ang petals niya.
Medyo mestizo ang lalaking lumabas sa kwarto nila.
Hindi man kalakihan ang katawan pero sexy iyon kita niya kahit nakadamit pa ito. Duon ata siya magaling.
Mapupungay ang singkinitan nitong mata at mala rosas ang kulay nang labi.
Gwapo ito.
Pero parang pinaglihi naman ata sa sama nang loob ang lalaking iyon dahil wala man lang ka react- reaction kahit na halata namang nagulat siya.
Hindi rin ito nagsorry dahil muntikan nang magulo ang gamit niya.
Iniwan nitong bukas ang pintuan para siguro hindi na siya mahirapan at alam nito na siya ang room mate nito.
Pagkapasok na pagkapasok niya ay hindi na kinaya nang powers niya at agad na napatili sa kilig na nadarama.
Mas lalo pang nakadagdag nang kaniyang tuwa ang isipang dadalawa lamang sila sa loob nang kwartong iyon.
Gosh! Magiging masaya pala naman ang pag stay niya sa Ramon Boys town University na ito.
Natutuwa siya.
At sa sobrang tuwa ay agad siyang napahiga sa isa sa mga kama na naroon.
Nasasarapan na siya sa paghiga sa kama na iyon nang biglang bumukas ang pintuan.
At iniluwa niyon ang gwapong nilalang.
"Sinong may sabi sayo na humiga ka sa kama ko?" galit na sabi nito sa kaniya.
"So-sorry medyo napagod kas-"
Natigilan siya nang bigla itong magsalita."Next time wag na wag mong paki-kielaman ang gamit ko o ni hawakan wag mong gawin kung gusto mong magkasundo tayo." galit na sabi nito sa kaniya.
Medyo naiirita siya sa inaasal nang kumag na ito. Gwapo nga pero parang saksakan naman nang gaspang ang paguugali
Wala na siyang iba pang sinabi at saka na lumipat sa kaniyang bed.
Pagkatapos maayos ang mga gamit ay lumabas naman siya nang kwarto at sinubukang humanap nang makakainan dahil medyo naririnig niya ang pagwawala nang mga alaga niya sa Tiyan.
Nag tanong siya sa guard at itinuro nito malapit na canteen nang university na iyon.
Malaki naman ang canteen at mukhang masarap ang mga pagkain.
Isang sardines pasta at juice ang ini-order niya.
Pinili niya ang pumwesto sa may bakanteng table na malapit sa bintana.
Gusto niyang makita at mapagmasdan ang labas nang canteen na iyon dahil kitang kita naman dahil glass lamang ang padre niyon.Patuloy siya sa pagkain nang isang gay ang lumapit sa kaniya at tinanong kung maari ba itong maki-upo sa tabi niya.
"Hi? Im Nina bago kalang ba here?" maarteng pakilala nito.Medyo nagdalawang isip pa siya na makipag kamay dito at nang mapansin siguro nito na nagdadalwang isip siya ay binawi nito ang pakikipag-kamay at ngumiti.
"So-sorry akala ko kasi gay ka, I'm Nino hahaha Nina lang kapag gabi haha " napatawa nadin siya.
"Milo, And I'm gay too " sa wakas ay nagawa na niyang makipag kilala rito."Baklang to! Naginarte kapa haha " at pagkatapos nun ay sabay silang kumain.
Madami silang pinagusapan.
Parehas sila ni Nina na kumuha nang kursong AB communication at sa tingin naman niya ay magkakasundo silang dalawa.
"Anong first class mo?" tanong nito Maya Maya sa kaniya . Kinuha niya ang cellphone at chin-eck kung ano ang first class niya.
"Sining ,Wika at pagbasa" sagot niya rito.
"Ay parehas nga pala tayo Charr lang !" at sabay silang napahalakhak.
Nang makabalik si Milo sa kwarto niya ay agad niyang kinuha ang uniform na isinampay niya kanina sa cabinet na naroon.
Narinig niya ang paglagaslas nang tubig sa banyo at alam niyang nasa loob ang lalaking impakto.
Inihanda niya ang mga gamit sa pagligo.
Sa kaniyang pagtayo ay saktong labas ng lalaki sa banyo.
Nakatapis lang ito nang tuwalya.
"Wag po!" bulong nang pilya niyang utak.
"Kapag natapos kanang magligo linisin mo!" sabi naman nito sa kaniya
Hindi niya alam kung ano ang titigan niya rito.
Ang gwapo bang mukha nito o ang bahagyang abs nito at sexy na hubog nang katawan nito.
Naloloka siya.
"By the way ako si Billie River Lucas Mariano, ikaw ano name mo"nagulat siya sa ginawa nitong pagpapakilala.
"Aiden Milo Franco " tipid na sagot niya.
"Sorry nga pala kanina, ayoko lang may nakiki-elam nang gamit ko" ani naman nito.
May kabaitan naman figuring taglay ang roommate niya.
"Bakla kaba?" Maya Maya ay dire diretsong tanong nito .
Hindi niya alam ang isasagot.
Parang umurong ang dila niya."No need to answer, sa tingin mo palang sakin alam kona ang sagot "
"BIPOLAR" sabi niya sa utak niya
Hindi na niya ito pinansin at pagkatapos ay pumasok na nang banyo para maligo.
Habang lumiligo siya ay may napansin siyang underwear na nakasampay duon.
Napajusko lord nalang siya. Kahit underwear kasi nito ay sexy ang dating.