ENZO🦋

642 7 0
                                    

Nakarinig ako nang kung anong kaluskos mula sa dulo nang san Agustin Forest. Medyo nagdidilim nadin kasi at medyo naligaw nadin, kinabahan ako dahil baka mamaya isang wild animal yung makasalubong ko at ikapahamak kopa.

Pero sa pag ilaw ko sa may bandang puno nanduon at tila umiiyak na si Milo.

''Don't cry, for sure kanina kapa hinahanap nina Ma'am"

nakita ko ang pagka gulat sa kaniyang mata. Iniabot ko sa kaniya ang aking kamay tanda na handa akong tulungan siya. 

'' Sa-salamat."  narinig kong sambit niya.

He is Milo.

I know its weird but i found him so cute,and innocent. Lambutin siya at medyo lampa.

Natutuwa ako sa kaniya.

Tahimik kaming naglakad papunta sa pwesto nina ma'am at ng iba pang mga students na kasama namin. Mabuti nalamang at may natandaan akong daanan na siyang naging guide namin para makabalik kami sa kanila.

"Milo!" Narinig kong sabi ng kaibigan ni Milo sa kaniya.

"San ba kayo galing? "

Tanong padin nila. Alam kong pansin din nila na medyo tahimik si Milo . Ako na ang sumagot sa tanong nila.

"Naligaw ako kanina tapos narinig ko na may umiiyak. Tapos sinilip ko nakita ko si Milo na umiiyak. Naligaw din ata siya"

Nagtinginan ang lahat kay Milo.

"Naku mala night and shining armour ka pala nitong kaibigan ko. " tudyo naman ng kaibigan ni Milo na si Nina.

Napansin ko Si Billie.

Pinagmamasdan niya si Milo. Alam kong may ginawa siyang kalokohan kaya parang nakokonsensiya siya ng makitang tahimik lang si Milo.

Third Person POV

Sa loob ng camp tahimik padin si Milo at tila medyo ilang na sa mga kasamahan niya lalong lalo na kay Billie.

"Baks Sorry ah? " maya maya ay sabi ni Nino sa kaniya.

Nilingon niya ito.

"Ano kaba ok lang yun,tsaka di mo naman kasalanan kung bakit ako naligaw." Ani naman niya rito.

Napansin niyang papalapit si Billie sa kanila kaya naman tumalikod na siya.

Pero bago pa siya makaalis sa kinatatayuan niya ay agad na siyang nahila nito.

"Sandali. May sugat ka sa paa dumudugo kanina ko pa yan napansin meron ako ditong gamot and linisan nalang din natin para di ka maimpeksyon." Kung susumahin mo ay parang anghel ang nagsasalita.

"Nakokonsensiya ka sa ginawa mo? Well hindi ko kailangan ng tulong mo! Kaya kong gamutin yan ng walang tulong na nagmumula sayo." Masungit na sabi nita rito.

Wala siyang narinig na salita mula rito at saka tinalikuran at naglakad papalayo rito.

Samantala si Enzo naman ay nakita ang pagsusungit ni Milo kay Billie.

Tama ang hinala niya si River Billie Lucas ang dahilan bakit naligaw si Milo.

Sinalubong niya si Milo.

"Kapag hindi mo nilinis yang sugat mo siguradong may posibilidad na pagbahayan yan ng bakterya. Umupo ka dito at lilinisin natin." Pag prisinta niya.

Nginitian lang siya ni Milo.

"Ok lang ako na maglilinis nito. Kaya ko na to sa sarili ko. Salamat sa paalala mo Enzo"

Maski si Enzo ay walang nagawa kundi ang tanggapin na tinaggihan din ni Milo ang inaalok niyang tulong.

"Alam mo kakaiba si Milo sa lahat ng nakilala ko na member ng LGBT no? " narinig niyang sabi ng kaibigang si Cran.

"What do you mean kakaiba?" Nagtatakang tanong niya sa kaibigan.

"I mean parang ilag siya sa mga kagaya natin. Parang ayaw niya tayong kilalanin at gustong gusto niya tayong layuan na para bang may nakakapandiring sakit. Samantalang ang isang iyon kung makatingin ay napakalagkit. " may halong irita sa boses ni Cran na ang tinutukoy ay ang kaibigan ni Milo na si Nino.

Napatawa nalamang siya.

"Ayaw mo ba nun atleast may nagkakagusto sayo."

Tukso niya sa kaibigan na ang isinagot lamang ay ang isang bahagyang suntok sa kaniyang braso.

Milo-"
Nang maka-balik na kami ng school at dorm ay di ko padin pinapansin si Billie.

Hindi ko alam kung gano at hanggang saan ang kasamaan ng ugali nitong si River Billie Lucas.

Wala akong pakielam kung gano siya tarantado o ka bad boy ang mahalaga  lalaban na ako sa kaniya.

Nakaupo kami sa may garden ng makita kong lalapit sina billie sa amin ni Nina.

"Akala moba ay nakaligtas kana sa ginawa mong pambabastos sa akin sa camp?" Narinig sabi ni ni billie sa akin.

Medyo nagpantig ang pandinig ko sa sinabi niyang iyon.

Nilapitan ko siya at nagulat ako ng bigla niyang higitin ang akong bewang papalapit sa kaniya.

May naramdaman akong kung ano bumilis ang tibok ng puso ko . May sinasabi siya pero hindi ko iyon naintindihan dahil nalalanghap ko ang mabango niyang hininga at ang Lexter scent niyang pabango ang amoy.

"Tinatiyansingan moba ako?" Ang salitang iyon ang nakapag pagising sa aking diwa. Pero paano ako kakalas mula sa pagkakahigpit ng hawak ng damuhong ito?

Hindi dapat ako magpadala sa kalandian ng puso ko at ng demonyo kong utak . Kailangang bigyan ko ang bwiset na ito ng leksyon.

Iniangat ko ang aking kaliwang paa at saka siya tinapakan.

"Huli ka balbon!" Sigaw ng demonyita kong konsensiya na galit na galit sa kaniya.

"Urgghhh!!!! The hell ! Ganyan ba talaga kasama ang ugali mo?" Galit niyang sabi sa akin.

"Alam mo sa ating dalawa ikaw ang mas masama. Sa pagkaka alam ko sagad hanggang buto ang kasamaan ng ugali mo!At ito ang tatandaan mo! Hindi porket bakla ako ay hindi na kita kayang labanan. Simula sa araw nato ako ang magiging numero uno mong kalaban." May halong pananakot na sabi ko sa kaniya.

Ang lahat ng tao sa lugar na iyon ay parang nabigla sa sinabi ko. Totoo ang sinabi ko kahit ang daliri din ni Billie ay hinding hindi ko hahayang madampian ako.

Taas noo ko siyang tinalikuran at lumakad palayo.

Samantala si Enzo naman ang aking nakita. Nakangiti siya sa akin na tila nagsasabing good job!

Third Person POV

Gabi na nang makauwi si Milo.

Matapos makapag shower ay nagbihis ang humiga nadin.
Ang sunod na dumating ay si Billie na halata ang pagka bwiset sa kaniya.

Nilingon niya ito. Pero bigla naman itong yumuko.

Natatawa siya.

Bully pero may takot din naman pala.

9:03 pm

Nagising si Milo ng biglang may mag notif sa cellphone niya. Number lamang iyon .

+63561.....: IM SORY!

MILO: SINO TO?
+63561.....: SORRY AGAIN MAY NAKAPAG SABI KASI SAKIN NA KAPAG DAW HINDI MO MASABI SA ISANG TAO YUNG GUSTO MONG SABIHIN MAGTEXT KA SA RAMDOM NA TAO SO APAT KAYONG SINENDAN KO NA PURO HULA. IKAW ANG NAGREPLY HAHAHA

MILO:SANA MAPATAWAD KANIYA.

+63561..: IM BRENT

Hindi na nireplyan pa ni Milo ang sunod na text nang nagngangalang Brent. Wierd man pero may kakaiba siyang naramadaman na parang kilala niya ang taong ito.

Si Kent,Billie,Enzo ang nagpapagulo ng mundo niya ngayon.

How she was may flower siya choss. Assuming lang pala siya.

...

Upnext : Unknown Textmate:

RoommatesWhere stories live. Discover now