-River Billie-
Hanga din naman ako sa katapangan na ipinapakita nang baklang ka roommate ko.
Imagine nasapok niya ako nang ganun ganun lang.Pero kung inaakala niya na ganun ganun nalang yun nagkakamali siya.
'So what's up bro!'? Ilang linggo na ang nakalipas pero nanatili padin yung bakla mong ka room mate hahah mukhang matatalo ka sa pustahan ah,?' Pangaasar na sabi sa akin ni Clion.
'Easy kalamg dude! Ihanda mo yung pambayad mong pusta dahil sisiguraduhin kong mapapalayas at mapapaalis ko siya nang campus. Hindi siya bagay dito.' Nagmamayabang kopang sabi sa kaniya.
Nginitian lang ako nang ibang mga kasamahan namin.
Alam kong alam nilang kaya kong gawin ang bagay na iyon at nasisigurado kong after a month or bago matapos ang buwang ito eh mapapaalis ko siya nang campus.
Magbibilliard pa sana kami nang biglang mag alarm ang simbolo nang school na mayroong general meeting.
Dahil president ako nang sports club eh wala akong nagawa kundi sumipot sa nasabing meeting.
"Good day Romanians? Earthday will start tommorrow,and as part of our csr. Obligado din tayong pangalaagaan ang ating kalikasan. Kaya naman nakapag desisiyon kaming mga nasa taas na i involve kayo sa darating na Into the woods camp kung saan lahat kayo ay magtutungo sa San Agustin Forest para duon magtanim at umattend nang iba pang mga activities.Makita niyo sana ang akitibidad na ito bilang opportunity na makatulong sa ating kalikasan."
Tama ako nang hula. May gagawin na naman kaming outdoor activities. At siguradong hindi ako makakahindi duon dahil isa ako sa mga estudyante na nasa mataas na posisisyon.
Pero agad agad ay may isang lokong idea ang pumasok sa aking isipan.
This time pwede kong gantihan ang bansot na si Milo.
At nasisigurado kong gugustuhin nalang niyang umalis nang university.
Pero palaisipan padin sa akin ang ginawa niyang pagstalk sa intagram.
Kinuha ko ang cellphone ko at saka nagtungo sa app na instagram. Ako naman ngayon ang magchecheck sa profile nang bansot na iyon.
Isanh family picture ang aking nabungaran.
Pinagmasdan kong mabuti ang family picture na iyon.
At may kung anong kaunting inggit akong naramdaman dahil kumpleto ang pamilya niya.
Napatitig ako sa mommy ni Milo.
May kung anong malakas na damdamin ang bumuhos sa akin.Pamilyar ang mga mata nang mommy ni Milo sa akin.
Ang mata ng mommy niya at ang mata nang isang lalaking nagpakaduwag para manatili sa amin ay parang iisa.At bago pa ako muling magalit ay isinantabi kona ang ginagawang pag instalk kay Milo.
Author's Pov.
Naabutan ni Billie si Milo na nagliligpit nang gamit nito. Napakunot siya nang noo nang mapagtantong parang ang dami naman ata nitong bitbitin sa gaganaping camp.
'Sigurado ka na lahat nang gamit nayan eh dadalhin mo sa camp?' Kunot noong tanong niya rito.
' Noneof your business.' Mataray na sabi sa kaniya ni Milo.
'Akala mo ata ay magpapakarelax tayo dun, pwes inuunahan na kita.Mali ka kung yun ang iniisip mo'
'Well mali ang inaakala mong iniisip ko. Dinala ko ang mga mahahalagang bagay na nandiyan sa bag ko dahil alam kong kakailanganin ko ang mga iyan kaya please kung wala kanang sasabihin pa eh lumayas kana diyan dahil baka hindi ako makapag tantiya sayo at masapok ulit kita.'
'Alam mo ikaw ang yabang mo din ano? Sino kaba sa tingin mo eh bakla ka lamg naman! Kagaya kalang din nang da---'
'Sige lang sabihin mo ang gusto mong sabihin,opinyon mo yan. Pero sana no? Mawala na ang pagiging ipokrito,at mayabang mong pag uugali'
Pagkasabi niyon ay tinalikuran na siya ni Milo.
Hindi alam ni Billie pero parang challenge sa kanya ang paalisin si Milo sa University. At nasisigurado niyang mahihirapan siya sa bagay na iyon.
🦋🦋🦋🦋🦋
'Good thing sumama ka dito' nakangiting sabi ni Kean kay Milo.
'Yeah,infact sumama naman din si Nino tsaka minsan lang naman to eh.'
'So Romanians?! Enjoy Staying here and i know magiging masaya kayo sa activity na ito. Dont worry dahil may plus points naman kayo, pero sana ay isa-puso niyo ang lahat nang gagawin niyi rito.'
Maganda ang San Agustin Forest. Matataas at tila matitibay ang mga naglalakihan din ang bawat puno nang akasya duon.
Hindi sanay si Milo sa ganoong lugar pero nasisiguro naman niyang mageenjoy siya sa bagay na iyon dahil nakahiligan niya din ang pagbabasa nang nga libro na tungkol sa kalikasan.
Hinati ang gurpo nila. Pinagsama sama ang mga seniors at juniors.
Sa kamalasang pagkakataon kasama ni Milo si Billie dahil Roommate sila. Mabuti nalang at Kasama nila si Kean dahil siguradong impyerno ang kalalagyan niya kung nagkataon.
Nagtanim muna sila nang mga puno nang mahogani at saka nilibot ang buong San Agustin Forest. Sa paglalakad ay isang dambuhalang palaka ang nakita ni Milo at napairit siya nang di sinasadya.
' Haha! Para palaka lang then you just scream na parang nasa alanganin na ang buhay mo.!' Pang asar na sabi sa kaniya ni Billie.
' Hindi ko hinihingi ang reaksyon mo kaya wag kang magsalita?' Mataray na sabi ni Milo kay Billie.
Natahimik si Billie sa ginawang pagsusungit ni Milo. Medyo napahiya din siya kaya pinili nalamang niyang manahimik!.
Oras nang pamamahinga nina Kean at Milo pati na rin ni Billie nang maisipan ni Billie na ihagis kay Milo ang Isnag bulate.
Napasigaw nang malakas si Milo.
'Damn you billie! I hate you!' Pagkasabi niyon ay tumakbo si Milo sa kakahuyan.
'Milo...!' Sigaw ni Kean pero hindi siya pinansin ni Milo sa halip ay dirediretso ito sa kakahuyan.
Sinubukang hanapin ni Kean si Milo pero wala siyanb Milo na nahabol.
🌷
Magaalas singko na nang hapon pero hindi padin nakakalabas si Milo sa bahagi nang kakahuyang pinasukan niya. Sa tingin niya ay mamatay na siya duon. Takot kasi siya sa bulate dahil nadala siya nang minsang lagyan nang kaniyang kaklase ang bag niya.
Kaya naman labis at halos abot hanggang langit ang galit niya kay Billie.
Wala talagang pakiramdam ang lalaking berdugas na iyon.
Sa kaniyang paglalakad sa kakahuyan ay bigla nalamang siyang natapilok at napaupo sa isang batuhan.
Hindi siya makalakad nang ayos.
Hindi niya padin alam ang daan palabas nang kakahuyang iyon.Napaiyak siya.
Kailangan niya ba talagang tahakin ang bagay na iyon ?At sunod sunod nang pumatak nang luha niya.
Tutungo na sana siya nang biglang may isang pamilyar na pamunas at boses nang gumambala sa kaniya.
'Domt cry, lets go home!hinahanap kana din nina Maam at Sir.'
Next chapter again part two.
Sino kaya ang tutulung sa kaniya?
Abangan thank you!