Illicit Affairs 🖤

375 5 0
                                    

This chapter dedicated to :Joshua Rosello Sarmien (belated again)

....

"Welcome back.. Laurice."

Napangiti nalang si Laurice ng makita ang asawang si Steve

Sa kabilang banda ay napaiyak nalang din siya.

Sa wakas. Malaya na ang kaniyang pag katao at ang kanyang damdamin na parang naka kulong sa isang malaking kulingan. Hindi maibuka ang mga nag gagandahang pakpak at hindi maipakita ang tunay na kaayuan dahil nananatiling naka tago sa dilim ng katotohanan.

Nang makauwi na sila sa bahay na tinutuluyan sa Maynila ay dumaan muna sila ng simbahan .

Hawak hawak ni Steve ang kaniyang kamay ng sobrang higpit.

Ramdam niya ang pagmamahal na iniaalay ng kaniyang asawa.

Alam niyang mali ang kanilang ginawa pero.

Pasasaan pa at masaya naman sila pareho ngayon. Makasarili mang maituturing ngunit alam niya sa sarili na hinding hindi matatakluban ng kahit na anong pag-papanggap niya.

Nang makapag dasal na ay agad naman siyang inaya ni Steve sa isang pamilyar na puntod.

"Alicia..." napahagulgol si Laurice

Ang kaniyang kaibigan na matagal nang namayapa ay labis na hinihingian niya ng tawad. Bagamat tinanggap nito ang naging sitwasyon nila ni Steve alam nyang ipinag katiwala na ni Alicia ang lahat sa kaniya. Lalong lalo na ang anak nito at ni Steve na si Milo.

Masiyahin at bibo ang bata . Kaya alam ni Laurice na madali niyang makakasundo ang bata. Alam niyang pinalaki si Milo ng mommy nito na punong puno nh pagmamahal. At maya maya pa ay isang bata ang kaniyang biglang namiss.

Gusto niyang yakapin pero hindi niya magawa.
Wala din siyang karapatan na hawakan ang batang na-aalala niya.

Tila ipinag kain ng tadhana at ng ina nito ang batang nais niyang makapiling.

...
Nang makarating sila sa bahay nina Steve ay sinalubong kaagad sila ni Milo.

"You look fabulous Tita😊" masigabong bati ni Milo sa kaniya. Niyakap siya nito ng mahigpit at sumunod naman ay ang ama nitong si Steve.

Sabay silang kumain ng pananghalian.

Tahimik na pinagmamasdan ni Laurice si Milo.
Sa pag mamasid sa bata ay may parang napapansin siya sa bawat palantik ng kamay nito. Kinabahan siya at tila natakot .

Pero isa lang ang alam niya . Ibibigay niya kay Milo ang lahat ng pag aaruga at pag mamahal na nararapat para dito.

Gabi na at tila pagod na pagod si Laurice.
Sa ngayon ay nakasuot siya ng pulang night gown.

Pinag masdan niya ang sarili.

Walang bahid...

Pinag masdang mabuti ang kabuuan niya.

Malaya na siya. Ang buhay na tila bagyo ay muling nag karoon ng kapayapaan at nakulayan ng bahag hari.

Masaya siya na nararamdan. Pinapangako niya sa sarili na kahit anong mangyari ay mamahalin at aalagaan niya ang sarili.

Naramdaman niya ang paglapit ng asawang si Steve.

Mula sa kaniyang likuran ay niyakap siya nito.

"Salamat sa pag mamahal na ibinibigay mo kay Milo"

Naramdaman niya ang mainit na hininga nito. Ramdam niya ang sinseridad ng pagmamahal at pasasalamat nito.
Hinarap niya ito at saka siniil ng halik. Dama niya nag labis na pagmamahal nito sa bawat ganti nito sa mapusok niyqng galik.

At ang sumunod na pangyayari ay saksi ang kwartong iyon sa kanilang ginawa. Pinadama nila sa isat isa ang pagmamahal ng gabing iyon.

Pero sa kabilang banda ay naisip ni Laurice ang pangyayaring iyin. Maaring masaya sila

Maaring sa mata ng ibang tao itoy mali.
Maging sa kaniya man ay ganoon lalo pat alam niyang may na agrabyado siyang tao.

Isang patak nalang ng luha ang kaniyang pinakawalan. Naiyak siya.

Is this was you called Illicit affair?

Masyado atang mapag laro ang tadhana

Now playing...

Illicit affairs by Taylor Swift

"And that's the thing about illicit affairs
And clandestine meetings and stolen stares
They show their truth one single time
But they lie, and they lie, and they lie
A million little times"

...

Maagang natapos sa pag aasikaso sa bahay si Laurice ,kaya naisipan niyang siya nalamang ang sumundo kay Milo sa school nito.

Pababa palang ng kotse si Laurice ay napansin na agad niya ang teenager na si Milo na tila kinukusot ang mga mata . Inilabas din nito ang panyo at saka ipinunas iyon.

Tama ang hinala niya, umiiyak ang stepson niya.

Dali dali siyang bumaba ng kotse at tumakbo papunta kay Milo.

" Milo? Babe why are you crying?"

Napansin niya ang sugat sa mga tuhod ni Milo.

"Oh My.." bulalas na sambit niya.

Agad niyang inakay si Milo papasok ng clinic at saka pinapagamot ang nagdurugo nitong sugat sa tuhod.

Ng magamot na iyon ay muli silang bumalik sa kotse at umuwi.

"Still hurt?" Tanong niya sa anak anakan

Umiling ito.

Hinawakan niya ang kamay nito.

Natuwa siya sa katatagan ng loob nito.

"Tita? Pangit ba talaga kapag naging bakla ako?"

Sa pag kakataong iyon ay parang binuhusan ng malamig na tubig si Laurice.

Bakit naman natanong nito ang bagay na iyon.

"Anak? Bakit natanong mo yan?"

"I think tita isa ako sa kanila. "

Nagulat si Laurice sa pag aming iyon ni Milo sa kaniya.

" But please tita dont tell this kay Daddy."

Naramdaman niya ang takot ni Milo.

"Anak ito ang isipin mo kailan man ay hindi masama ang pagiging Gay. Hanggat wala kang ginagawang  mali at walang tinatapakang tao. Walang masama ano pa man ang kasarian mo. And always remember na narito ako palagi kang aalalayan at gagabayan. What ever happens Im still here kahit saang sulok kapa ng mundo."

At maya maya pa ay niyakap ni Laurice si Milo. Ramdam niya ang naramdaman na kapayaapaan ng anak anakan.

Mahal na niya ito.

Hindi muna sila umuwi. Dumaan sila sa isang mall.

Nag enjoy silang dalawa. Nagbonding at nagshopping. Nag refresh muna si Laurice sa restroom.

Pero papasok palang siya ng room ay isang pamilyar na mukha ang kaniyang namulaglagan.

"Baby Boy Im sorry ," natigil siya sa pagkaka tulala ng lumapit ang ina ng bata . Masaya ang dalawa.

Sa kabilang banda ay parang tinusok ang kaniyang puso. Ni hindi niya mahawakan ang batang lalaki kanina. Miss na miss na niya ang batang iyon.

Alam niyang ito ang kapalit sa inaasam niyang kalayaan.

" Miss na Miss na kita Billie... Anak."

At isang luha ang pumatak sa kaniyang mga mata.

RoommatesWhere stories live. Discover now