Ire-republish ko lang po ito^_^
_______________________
Andami ko nang naging desisyon, desisyong aking pinagsisihan
Sa kadahilanang, siya ang pinili ko kahit alam ko sa sarili kong hindi naman dapat
Bakit ba kasi ang tanga-tanga ko para paniwalaan ang mga kasinungalingang kanyang ipinangako
Bakit kasi hindi ako nag-isip ng matiwasay noong mga panohong ako'y may pag-asa pang makapasok sakanyang buhay
Bakit? Bakit kung kailan masaya kana, masaya kana sa piling ng iba ay malalaman kong ika'y mahal ko pala?Ansakit, ang sakit-sakit malaman na yung taong mahal mo pala ay may mahal ng iba
Pero mas masakit malaman na yung taong ipinalit mo sakanya ay lolokohin kalang pala
Masakit dahil parang ikaw narin mismo ang nanakit sa sarili mo
Dahil sa sarili mong katangahan, katangahang hindi matutumbasan nino manMasakit dahil binigay ko naman lahat, lahat-lahat na maging ang sarili ko ay nakalimutan ko na
Bakit kailanagan ko pang masaktan? Nag mahal lang naman ako ah?
Ah, alam ko na, sabi nga nila hindi pagmamahal ang nararamdaman mo kung wala kang sakit na mararamdaman
At hindi ka magiging masaya kung wala kang kalungkutang madarama
Dahil kakambal ng saya ang sakit at luhaSayang mararamdaman mo pansamantala
Samantalang sakit at luha na dadalhin mo saan kaman mapunta
Mga luhang aagos saaking mga mata sa tuwing ika'y aking maaalala
Mga luhang babasa sa mga unan na sandalan ko habang ako'y lumuluhaAko'y parang isang bata, isang bata na nakatingala sa madilim na kalangitan
Sa kalangitang puno ng mga butuin, mga bituin na gustong makamtan
Ngunit alam kong ako'y hanggang tingin nalang
Isang batang umaasa na ika'y aking muling mahahagkanIka'y maihahalintulad ko sa isang bituin na kung saan
Ikaw ang magsisilbing liwanag sa mundo kong puno ng kadiliman
Isang bituin na ninanais kong mahagkan
Ngunit alam kong ito'y hanggang pangarap nalangKung bibigyan ako ng isa pang pagkakataon... ikaw, nalang sana
Ikaw nalang sana ang pinili ko baka sakaling ako'y naging masaya pa
Ikaw nalang sana, baka sakaling tayo'y magkasama pa
Ikaw nalang sana baka sakaling ako'y hindi na nasaktan paIkaw nalang sana, baka sakaling hindi na ako nagsisi sa aking nagawa
Ikaw nalang sana baka sakaling tayo'y naging panghabang buhay na
Ikaw nalang sana baka sakaling hindi na ako naging bitter pa
Ikaw nalang sana baka sakaling ako'y maniniwalang may 4ever paMayroon lang akong isang hinihiling...sana maging masaya kana
Sana magmahalan kayong dalawa kahit ako'y nagdurusa
Huwag kang mag-alala dahil minamahal kita,kahit minamahal mo siya
At gusto ko lang humingi ng tawag sayo at sakanyaPatawad sayo mahal dahil binabalewala kita nong mga panahong mahal mo pa ako
At nakampante ako dahil lang sa alam kong ako yung mahal mo
Mahal patawad dahil hindi kita pinahalagan nong ako pa yung mahal mo
Patawad dahil kailangan ko nang magparaya para sayoPatawad sakanya dahil sa pagsulat ko ng tulang ito
Patawad dahil pinapatamaan pa kita kahit alam kong siya na yung mahal mo
Patawad dahil pilit ko paring sinisiksik yung sarili ko sayo
Patawad dahil pilit ko parin kayong ginugulo
Patawad, Sanay ikaw nalang sana ang pinili ko
BINABASA MO ANG
𝑺𝒑𝒐𝒌𝒆𝒏 𝑾𝒐𝒓𝒅 𝑷𝒐𝒆𝒕𝒓𝒚
PoetryIba't ibang mga tula na maaaring inyo na ring narasan. Mga tula na patungkol sa pamilya,kaibigan,pag-ibig at iba.