"𝐃𝐀𝐓𝐈𝐍𝐆 𝐓𝐀𝐘𝐎"

25 0 0
                                    

Sa bawat araw na nagdaan
Ikaw lamang ang nasa isipan
Ang isip ay nasa ating nakaraan
Ang gagawin ay hindi malaman

Ang isip ay patuloy na naglalakbay
Sa pag-iisip tila ako'y tinatangay
Sa nakalipas nating puno ng kulay
Na dadalhin ko sa habang-buhay

Tinatanong sa sarili kung kailan kaya muli?
Mararamdaman ang haplos ng iyong labi
Ang maliligaya nating mga sandali
At makapiling ka dito sa aking tabi

Ang dating tayo na puno ng pananabik
Sa mga yakap at halik
Maramdaman ang muli mong pagtapik
Hinihiling na sana ay muling bumalik

Sa bawat pagdilat ng mga mata
Hinihiling na sana'y ikaw ang makita
Upang muling maramdaman ang saya
Na nararamdaman tuwing ikaw ang kasama

Nais ko lamang na makabawi
Sa mga nakalipas na sandali
Na hindi ikaw ang aking pinili
At ako'y lumisan saiyong tabi

Nais kong ibalik ang lahat
Kung saan wala pang lamat
Ang samahan nating tapat
Ngunit tila ito'y magiging alamat

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 07, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

𝑺𝒑𝒐𝒌𝒆𝒏 𝑾𝒐𝒓𝒅 𝑷𝒐𝒆𝒕𝒓𝒚Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon