"𝐊𝐖𝐀𝐑𝐓𝐎"

209 3 0
                                    

Minsan atin itong pinagtutulugan
Pero ito'y kadalasang iyakan
Minsan ito'y pinagpapahingaan
Pero ito'y kadalasang kulungan

Lahat ng sakit ay dito nakakubli
Mga sakit na ayaw parin mawakli
Mga sakit na pilit paring nananatili
Ang kwartong ito ang naging saksi

Naging saksi sa mga tumulong luha
Na ngayon ay tuyong tuyo na
Saksi sa hirap pag hindi makahinga
Sa paninikip ng dibdib at nakakasakit na

Ang sarili ay  pilit pinapasaya
Gamit ang imahinasyong mahiwaga
Ang isip ang siyang gumagawa
Upang ako'y mapaligaya kahit na pantasiya

Ang mga taong akala mo makapagpapasaya
Ay sila pang dahilan ng iyong pagluha
Mga taong hindi inaasahang makikilala
Mga taong magpapasaya sayo pansamantala

Ngunit ang reyalidad ay isang reyalidad
Hindi mo sigurado ang kalidad
At napakalabo ng posibilidad
Walang magbabago kahit gano ka magbabad

Subalit pag sa kwarto ka mananatili
Walang ibang makakapanakit sayong sarili
Kailangan mo nalamang pumili
Kung babanggitin ba o ipagsasabi

Kada kabi napupuno ang isipan
Ang gagawin ay hindi malaman
Hindi alam kung pano sisimulan
Ilabas ang sakit dahil naipunan

Napakahirap matulong ng may dinadala
Pero wag mag-alala ako'y nasasanay na
Wag na sana itong ipagkaila pa
Dahil ito ang hiling ko simula ng una

Hayaan na ang kwartong ito ang bahala
Sa kwartong ito ako mas may tiwala
Hinaharangan ang mga tao para hindi ako makita
Hinaharangan para hindi makita kung paano ako manghina

Yung tipong matutulog ka na
Pero may pahabol pang luha
Tutulo ng mag isa at tutuyuin ko pa
Tutuyuin hanggang sa ito'y humupa

Naaawa na ako saaking mga unan
Hindi alam kung ilang beses ng napalitan
Hindi malaman kung ito ba'y may katapusan
Hindi alam kung kaya pa ba ng isipan

Ang dilim ng kwarto ang naging sandalan
Ang dilim ng kwarto ang naging kaibigan
Ang dilim ng kwarto na handa kang damayan
Ang dilim ng kwarto na hindi ka pagsasawaan

Ang dilim ng kwarto na lagi kang sasamahan
Sa saya man at maging sa kalungkutan
Hindi na alam kung paano ito pasasalamatan
Sa pananatili at lagi akong tinatabihan

Kahit anong drama mo hindi ka niya iiwan
Kahit ulit ulit na ang bulong mo mananatili yan
Akala mo nagiisa ka pero nandya-dyaan yan
Ang kwartong yan ay maaari mong iyakan


𝑺𝒑𝒐𝒌𝒆𝒏 𝑾𝒐𝒓𝒅 𝑷𝒐𝒆𝒕𝒓𝒚Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon